|
Kasama ang
nagdadalamhating mga kaanak ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs)
na nasa death row ngayon sa iba’t ibang bansa, kinalampag kahapon
ng grupong Migrante ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang
pamahalaang Arroyo para sa kagyat na pagpapalaya sa 34 OFWs na
pawang mga nahaharap sa parusang kamatayan.
"For innocent
OFWs unjustly imprisoned abroad, each minute spent in jail is one
too many. For those already sentenced to death, the days in prison
are particularly harrowing. It’s imperative that the DFA,
particularly Secretary (Alberto) Romulo and President Arroyo
prioritize their immediate release and repatriation," giit ni
Connie Bragas-Regalado, chairperson ng Migrante International.
Tiyempo rin ang
pagtapik sa gobyerno ng grupo at ng mga kaanak hinggil dito upang
maisip din umano kahit paano ni Arroyo sa kanyang mga state visits
ngayon sa iba’t ibang bansa ang pagtutok sa distressed OFWs hindi
lamang sa paglagda sa kaliwa’t-kanang kasunduan o treaties.
Partikular na umapela
kahapon ang pamilya ng mga nasa death row na sina Marilou Ranario at
Don Don Lanuza. |