Matapos ang halos limang buwang paglilitis, igagawad na ngayon ng Senate Impeachment Court ang kanilang hatol kay Chief Justice Renato Corona.
Sa judgment day ng makasaysayang impeachment trial ni Corona, nakasalalay ngayon sa kamay ng 23 senador ang kapalaran ng Punong Mahistrado oras na ilahad na ang kanilang boto -- conviction o acquittal -- sa tatlong Articles of Impeachment laban sa Punong Mahistrado. |