Hindi man nasungkit ni half Pinay, half Mexican at American born Jessica Sanchez ang mailap na titulong ‘American Idol’, para sa sambayanang Filipino saanmang panig ng mundo ay ito ang kanilang “idol”.
Mistulang inecho ni Vice President Jejomar Binay ang sentimiyento ng mga Pinoy na nadismaya sa pagkatalo ng pambatong kalahi sa popular na TV show sa Estados Unidos. |