|
SALUDO
si Piolo Pascual kay Ogie Alcasid dahil sa ginawa nitong pag-amin na
hiwalay na sila ni Michelle Van Eimeren, at mahal na mahal nito si
Regine Velasquez.
Sa interview namin
kay Piolo sa presscon ng Paano Kita Iibigin?, sinabi niya na sobra
ang bilib niya kay Ogie, dahil hindi ito natakot na ilagay ang
sarili sa alanganin, lalo na ang kanyang career. Matapang nga raw si
Ogie.
Pero, aminado si
Piolo na baka makaapekto sa resulta ng Paano Kita Iibigin? ang
pag-amin nina Ogie at Regine sa relasyon nila.
Pero siyempre, mas
concern si Piolo sa sitwasyon ni Regine ngayon. Na baka nga mag-iba
ang tingin sa kanya ng mga tao.
Sabi pa ni Piolo,
suportado niya si Regine sa pagmamahal nito kay Ogie. At giit niya,
hindi nagbago ang mataas na pagtingin niya kay Regine ngayon.
Wala rin daw siyang
sama ng loob kay Ogie dahil sa ginawa nitong pag-amin sa
pagmamahalan nila ni Regine.
"Si Regine kasi,
kahit mina-migraine na siya, hindi mo siya maririnig na nagrireklamo.
Kung tutuusin, puwedeng-puwede siyang magpahinga o mag-request na
itigil muna ang shooting, pero hindi niya ginawa.
"Sobra ang
pagiging humble ni Regine. Pantay-pantay ang tingin niya sa lahat ng
tao, kahit sa maliliit na staff.
"She’s Regine
Velasquez, and she’s a diva, pero never siyang nagpaka-diva sa
shooting," pahayag ni Piolo tungkol kay Regine.
Asam na lang ni Piolo
na hindi titingnan ng mga tao ang sitwasyon nina Regine at Ogie
ngayon, bagkus ay ang kagandahan ng pelikula nila ang mas makita.
Ipinagmamalaki nga
niya na maganda ang pelikula nila ni Regine, kaya hindi ito dapat
palampasin ng mga tao.
Siyanga pala, nakapag-taping
na si Piolo ng Pinoy Pop Superstar sa GMA 7, pati na sa Mel
& Joey, at Sis. Live naman siya na magi-guest sa Showbiz
Central sa Sunday.
***
Matapos ang ilang
buwan ding suspension kay Inday Garutay, nakabalik na ang komedyante
sa paghu-host sa Klownz at Zirkoh Comedy bar.
Lumabas ang balita
noon na sinuspinde siya sa naturang comedy bars dahil sa ginawa raw
niyang pangungutya kay Tito Sotto sa isang kampanya ng Genuine
Opposition.
Sa kaso ni Allan K, ang may-ari ng
Klownz at Zirkoh, wala siyang sinabi tungkol dito. Pero tapos na nga
ang kung ano mang intriga, dahil balik-trabaho na ulit si Inday. |