THURSDAY, MAY 24, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
LUZON NEWS
Kidnapper na-‘wow mali’
(Rossel Calderon)
 

Na-“wow mali” ang grupo ng hinihinalang mga kidnapper makaraang bitbitin ang maling “target” na biktima sa loob ng isang convenient store sa Bgy. Poblacion Bacoor City, Cavite dakong alas-10:15 kamakalawa ng gabi.


Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Ronaldo Orozco, nasa loob umano ng 7-Eleven convenient store ang biktimang si Randy Pagtakhan y Francisco, may asawa at kasalukuyang residente ng Blk 8 Lt 17 West Bay Homes, Daang Bukid sa nasabi ring lungsod, nang mula sa kanyang likuran ay lumapit ang ‘di kila­lang suspek na tinatayang may taas na 6’1” at nakasuot ng sunglass.


Mabilis umanong dinakma sa leeg ang 42-an­yos na biktima at kinaladkad ng suspek palabas ng convenient store patungo sa naka-standby na Van (ELF 888) na may sakay na iba pang mga suspek.


Aktong isasakay na umano ang biktima sa loob ng van nang sumigaw ang isa sa mga suspek na “hindi iyan”, kaya’t binitiwan ng suspek ang biktima bago tuluyang nagsitakas ang mga ito lulan ng getaway vehicle.




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.6099
Bahrain Dinar 110.374
Canadian Dollar 40.1279
Euro 53.5471
Australian Dollar40.0945
HK Dollar 5.36014
Japan Yen 0.408348
Saudi Riyal 11.0955
S’pore Dollar 32.8373
Taiwan Dollar 1.38953
UAE Dirham 11.3286
UK Pound 62.6109
COLUMNIST OF THE DAY
Alaala ni Jesse Robredo
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section