SATURDAY, MAY 19, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
SPORTS
‘ABSENT’ SI WADE
 
 

INDIANAPOLIS (AP) --- Umagaw ng upuan sa bench ng Miami Heat si LeBron James, ibinaba pagkaraan ang kanyang ulo at inilapat sa sahig.

Halos ibaon pa.

Nasa malalim na butas na ang Heat.

Gumupit si Roy Hibbert ng 19 points at 18 rebounds, kumikil si George Hill ng 20 at nagpader si Danny Granger ng 17 nang ibanda ng Pacers ang mas balanse, tibay at pagkakaisa kaysa sa mas patok na Miami, pinilipit ang tumirik na Heat, 94-75, noong Huwebes ng gabi sa Game 3 ng NBA Eastern Conference semifinals.

‘Di pinapansin sa regular season at katiting lang ang binigay na tsansang masilat ang reigning East champions, ngayo’y kipkip ng Pacers ang 2-1 abante sa best-of-seven series.

Game 4 sa Linggo sa may kaguluhang Bankers Life Fieldhouse.

Tumistis si James ng 22 -- 16 sa first half bago kinapos -- at bumakas si Mario Chal­mers ng 25 para sa Miami.

Hawak ang bolang bumagsak si Miami Heat guard Dwyane Wade sa nakaabang na si Indiana Pacers guard Dahntay Jones at matawagan ng traveling sa first half ng Game 3 ng NBA Eastern Conference semifinal playoff series sa Indianapolis noong Huwebes. Mu­ling natalo ang Heat, 94-75. (AP)

Pero napasigaw si Dwyane Wade, na malamang may serious injury, umiskor lang ng limang puntos sa 2-of-13 shooting para sa Heat, na inuulila na ni forward Chris Bosh sanhi ng strained abdominal muscle at malamang na ‘di na bumalik pa sa serye.

“It’s obvious he wasn’t himself,’’ buladas ni James kay Wade. “Does he want to play better? Of course. He’s one of the best players in the world.’’

Tila absent si Wade dahil taliwas sa inaasahan ang kanyang inilaro at may pakikipagbulyawan sa isang timeout sa third quarter kay coach Erik Spoelstra, na agad dinismis ang mainitang pagtatalo.

“That happens,’’ dada ni Spoelstra. “Anybody that has been part of a team or has been a coach or been a player, you have no idea how often things like that happen. That was during a very emotional part of the game. We were getting our butt kicked. Those exchanges happen all the time during the course of an NBA season.

“There’s going to be a lot of times where guys say something, you don’t like it. You get over it and you move on. We’re all connected. Dwyane and I have been together for a long time, a long time.

We’ve been through basically everything. A lot of different roles, a lot of different teams. That really is nothing. That is the least of our concern. That type of fire, shoot, that’s good. That’s the least of our concerns. Our concern is getting for Sunday.’’

Tumanggi si Wade na pag-usapan pa ang pakikipagdebate kay Spoelstra.

Sinapawan ng India­na ang Miami, 51-32, sa second half nang halos animo’y walang maling ginawa ang Pacers.

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.2380
Bahrain Dinar 114.744
Canadian Dollar 42.2700
Euro 54.7462
Australian Dollar42.3958
HK Dollar 5.56465
Japan Yen 0.545572
Saudi Riyal 11.5283
S’pore Dollar 33.8785
Taiwan Dollar 1.45916
UAE Dirham 11.7699
UK Pound 68.0578
COLUMNIST OF THE DAY
PINOY NOBELA

GABAY NG DIYOS

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section