SATURDAY, MAY 18, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
BALITANG VISMIN
AFP, namamagitan sa labanang MILF-MNLF
  (JB Salarzon)
 

Baligtad na ang sitwasyon sa kasalukuyan dahil ang mga sundalo na nga­yon ang nagsisilbing tagapamagitan para pahupain ang madugong labanan ng dati nilang kalaban, ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).


Inaalam pa ng militar at pulisya kung ilan ang nasawi at sugatan mula sa magkabilang grupo makaraang muling sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga ito kamakalawa sa Barangay Marbel, Matalam, North Cotabato.


“`Yung mga sundalo natin ay nagsilbing escort ng mga MILF, pinasakay sila sa ating mga military trucks para makalabas sila kasama ang kanilang mga sugatan sa lugar,” ani Col. Dickson Hermoso, taga­pagsalita ng 6th Infantry Division ng Army.


Habang isang grupo rin ng mga sundalo ang nakipag-ugnayan sa MNLF para itigil na ang laba­nan kontra sa MILF at mag-usap na lamang ng mapayapa kaysa magpatayan.


Nagkasagupa ang may 75 armadong MILF sa pamumuno ni Hadji Mansour Imbong at ang hindi pa mabilang na mga tauhan ng MNLF na pinamunuan ng isang Kumander Aladin.


Habang nasa kasagsagan ng sagupaan, kumilos ang military para kausapin ang magkabilang panig na iti­gil ang labanan at tumalima naman ang dalawang grupo.


Noong Mayo 5, umaabot sa 100 pamilya ang lumikas sa labanang MILF at MNLF.

 

 




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.2599
Bahrain Dinar 109.437
Canadian Dollar 40.2946
Euro 53.0750
Australian Dollar40.1832
HK Dollar 5.31467
Japan Yen 0.402684
Saudi Riyal 11.0018
S’pore Dollar 32.8152
Taiwan Dollar 1.37608
UAE Dirham 11.2330
UK Pound 62.8689
COLUMNIST OF THE DAY
Dapat matuto na tayo
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section