 |
|
Kumana ng
one-hand drive si Phoenix Suns’ Leandro Barbosa ng Brazil sa
harap ng depensa ni San Antonio Spurs’ Fabricio Oberto ng
Argentina sa first quarter ng Game 5 ng NBA Western Conference
semifinal round playoffs. (AP Photo) |
CLEVELAND (AP) ---
Nakaiwas sa maagang summer vacation ang New Jersey Nets sa
pamamagitan ng hindi impresibong panalo sa Cleveland, 83-72, at
mahila sa 3-2 ang NBA playoff series.
Sa pangunguna ni
Jason Kidd na kumamada ng 20 points, nagawang magpundar ng Nets ng
22-point lead sa third quarter subalit nagkumahog sa huling bahagi
bagama’t nagawang kumapit sa tagumpay at naipuwersa ang Game 6 ng
Eastern Conference semifinals sa Biyernes sa kanilang sariling
balwarte.
Nagtala lang ang New
Jersey ng isang field goal at umiskor ng six points sa fourth
quarter sa 1-of-15 shooting from the field. Ang Nets ay 4-of-10 din
lang sa free throw line sa huling 12 minutes.
Ang Cavaliers na
nabigong isara ang serye sa kanilang sariling teritoryo ay may
3-of-17 shooting sa fourth quarter.
Hindi na naglaro sa
Cleveland sa huling 56 segundo si LeBron James, na nagka-injury nang
makipag-agawan sa loose ball kay Kidd.
Kumana ng 20 points
si James para pamunuan ang Cavs habang si Zydrunas Ilgauskas ay may
16.
PHOENIX (AP) ---
Pumukol si Bruce Bowen ng 3-pointer may 36 segundo sa laro, at
tinalo ng San Antonio Spurs ang kapos sa taong Phoenix Suns, 88-85,
para umangat sa 3-2 sa Western Conference semifinals.
Maaaring tapusin ng
Spurs ang series sa Game 6 sa Biyernes sa San Antonio.
Ang Suns, na naglaro
nang wala si all-NBA center Amare Stoudemire at ang kanyang pamalit
na si Boris Diaw, ay gumamit lang ng six-man rotation.
Lumamang sila ng 16
sa second quarter at angat 79-71 may 5:18 ang nalalabing oras sa
laro.
Masama ang simula ni
Manu Ginobili, pero bumawi sa final quarter nang umiskor ng 15 ng
kanyang 26 points para mag-rally ang Spurs at lumamang 86-83, 10.5
seconds pa.
Nagmintis si Steve
Nash sa isang 3-pointer sa harap ng depensa ni Tim Duncan, saka
naipasok ni Michael Finley ang dalawang free throws 5.5 seconds ang
nalalabi para iselyo ang tagumpay.
Sina Stoudemire at
Diaw ay nasuspendi ng isang laro sanhi ng paglusob sa court matapos
ang flagrant foul ni Robert Horry kay Nash, 18 seconds pa sa
nakaraang Game 4.
Si Horry ay napatawa
ng two-game suspension.
|