ADS 

REGINE, ‘DI PA HANDANG PAKASAL KAY OGIE SA OKTUBRE?

Rey Pumaloy

HUMINGI ng paumanhin si Regine Velasquez sa Star Cinema Inc. at sa leading man niyang si Piolo Pascual sa pelikulang Paano Kita Iibigin, dahil sa madalas na pagkakasali ng pangalan ni Ogie Alcasid sa promo ng movie, pati na ng soundtrack album nila.

Sabi ni Regine, nahihiya siya kay Piolo. Sambit ni Regine, nalilihis daw kasi ang promo ng movie nila ni Piolo, dahil sa mga isyu sa kanila ni Ogie.

Sabi pa rin ni Regine, dapat ay ang tungkol sa pelikula nila ni Piolo ang pinag-uusapan, pero naiiba nga dahil sa kanila ni Ogie.

Eh, hindi naman daw siya makaiwas, dahil ayaw niyang maka-offend ng mga manunulat na nag-i-interview sa kanya.

Inusisa rin si Regine tungkol sa diumano ay pagpapatahi na niya ng wedding gown kay Monique Lhuillier na gagamitin sa kasal nila ni Ogie sa October, at ang pagpapatayo nila ng bahay ni Ogie.

At kahit anong iwas ni Regine na sagutin ang mga isyu sa kanila ni Ogie, paulit-ulit pa rin siyang kinukulit tungkol dito.

"Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung mga balitang ‘yan. Wala naman talaga. Hindi ako magpapakasal. Tanungin na lang ninyo si Ogie. I cannot speak for him kasi siya ‘yung may ia-announce.

"Gaya ninyo, naghihintay rin ako. So, hintayin na lang natin," pahayag ni Regine.

Maliban daw sa pagku-compose ni Ogie ng theme song ng Paano Kita Iibigin, wala na raw iba pang partisipasyon si Ogie sa movie nila ni Piolo.

Inamin ni Regine na bumisita si Ogie sa recording ng album nila ni Piolo, pero wala raw silang pinag-usapan.

"Yun lang naman ang concern ni Ogie about the album. Kaya nong nagpunta siya sa recording, ‘yun lang ang pinag-usapan namin at wala nang iba.

"And that wasn’t the first time Ogie and Piolo met, kasi gumawa rin ng songs si Ogie for Piolo sa album niya noon," dugtong pa ni Regine.

Gustung-gusto ni Regine na kumita ang pelikula pati na ang soundtrack album nila ni Piolo. Matagal daw nilang hinintay ang pagkakataong ito, kaya nakikiusap siyang suportahan sila ni Piolo, at huwag muna silang intrigahin ni Ogie.

"We waited almost 3 years bago nag-materialize ang project na ito. Sayang naman kung hindi panonoorin ng mga tao. 

"Ang dami naming sakripisyo rito. At tinutukan ko rin ‘yung album. Hanggang sa recording nagbabad ako. Hands on talaga ako sa project na ito. So, sana naman kumita itong movie na ito," seryosong sabi pa ni Regine.

<BACK