|
INAMIN
ni Luis Manzano na maraming security o guwardiado (mula sa PNP,
dahil wala naman daw silang private army) sa ngayon ang mommy niyang
si Vilma Santos. Lalo na ngayong mainit pa rin ang bilangan sa laban
sa gobernador sa Batangas, na kung saan ay nangunguna nga si Vilma.
"Nakakatakot
naman talaga ang politics, in general. Hindi lang sa Batangas. Ang
mommy ko naman, she’s not stupid or ignorant sa mga ganyang bagay.
"Alam niya na
kailangan niyang mag-ingat. And there’s Tito Ralph (Recto) naman
na nagbabantay sa kanya," sabi ni Luis.
At hindi rin
itinanggi ni Luis na pati siya ay doble-doble ang pag-iingat na
ginagawa, na tipong hindi siya lumalabas masyado, o nagpupunta sa
mga lugar na alam niyang delikado.
Sa ngayon, hindi pa
raw masyadong naglilibot sa Batangas ang mommy niya, at mas madalas
na nasa bahay lang ito.
"Hindi siya
mayor ngayon. She wants to be there for us, for the whole
family," say ni Luis.
"But of course,
she’s very happy. Kumbaga, naghihintay na lang siya ng
formality," dugtong pa ni Luis.
Kung medyo kabado raw
sila ngayon, `yun ay dahil sa puwedeng kalabasan sa bilangan ng mga
senador. Medyo delikado kasi ang tayo ng Sen. Recto sa bilangan.
Anyway, masaya si
Luis ngayon dahil nadagdagan na naman ang inendorso niyang produkto.
Nandiyan nga ang Kremil-S na unang inendorso ng tatay niyang si Edu
Manzano.
Malaking tulong daw
kay Luis ang Kremil-S, dahil sa sobrang busy raw niya sa trabaho,
hindi na niya namamalayan ang pagod at paglipas ng gutom.
Eh, malakas din daw
siyang uminom ng kape, at kung minsan, sobra-sobra naman daw ang
pagkain na nilalantakan niya.
Sabi nga ni Luis, hindi niya
mamamalayan na may hyperacidity siya, kung hindi niya inendorso ang
gamot na ito. |