Pagbubuntis

Margie Holmes

Dear Dra. Margarita Holmes:

Gud day po. Ang aking itatanong po ay may possibility ba na mabuntis ang isang girl kapag idinikit o ipinasok ng isang lalaki ang ari nya sa ari ng girl kahit sandali lng itong ipinasok? Thank you and more power JOSHUA

Dear JOSHUA:

Ang pagbubuntis ng babae ay hindi depende kung gaano katagal o kabilis ang pagpasok ng ari ng lalake sa ari niya. Ang basehan ng pagbubuntis ay kung may tamod (o, minsan, kahit hindi daw yung tamod pero yung pre-ejaculatory fluid) na napasok sa ari niya. Ang pre-ejaculatory fluid ay ang likido na lumalabas sa ari ng ibang lalake (hindi lahat) kapag matigas na siya at bago siya labasan. Napatunayan ng mga tests na mayroon ring semilya dito sa pre ejaculatory fluid, so theoretically, maaari ring mabuntis ang babae kung may pre ejaculatory fluid na nakapasok sa ari niya.

SO… kung may tamod (o pre ejaculatory fluid kung gusto mong makasigurado) na pumasok sa ari ng babae at siya ay fertile (maaaring mabuntis) sa panahon na ito, maaari siyang mabuntis kahit sandali lang ang pasok ng ari mo. Kung wala namang tamod (o pre-ejaculatory fluid) na nakapasok sa ari ng babae (halimbawa, kung gumamit ka ng condom) HINDI siya mabubuntis kahit na isang oras ka nasa loob niya. Inaasahan kong nakatulong ito sa iyo. Ingat—MG Holmes

 

***

DEAR DRA HOLMES:

Hi! I have 2 questions. Gusto ko lng po sana itanong kng maari po ba na mbuntis ang girl kung during sexual intercourse ay may lumalabas na mamasa-masa s ari ng lalake? dba po my lumalabas n basa s ari ng lalake. kng s labas po pinutok at d s loob my chance po b na mabuntis?

2nd, may possibility po ba na mabuntis ang girl kng gumamit ng condom ang guy? thanks and more power!!! ADAM

Dear ADAM:

Ang sinasabi mong mamasa-masa ay ang pre ejaculatory fluid na napag-usapan sa itaas na kolum. Sana ay basahin mo na lang siya para malaman mo ang sagot, ok?

Kung wasto ang paggamit ng condom AT walang depekto ang condom walang posibilidad na mabuntis ang babae. (Kasama na sa wastong paggamit ay huwag ilagay ng babae ang condom ng lalake sa pamamagitan ng kaniyang bibig gaya nang tinuruan noong araw para mas seksi raw ang paglagay nito. Mas seksi nga, pero minsan may napakaliit na punit na ngipin dahil sa ngipin ng babae. Ang condom. Tungkol naman sa hindi pagka depekto ng condom, huwag gamiting kung lampas na ng expiry date, huwag ilagay sa mainit na lugar (kagaya ng wallet) atbp. Inaashaan ko na nakatulong ako. Ingat and all the best-MG Holmes

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante Tonite tuwing Martes at Huwebes at sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes.  Sulatan siya sa "Ask" portion ng kaniyang website www.margaritaholmes.com Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot nang personal. 

<BACK