|
PAMPANGA ---
Sa kabila ng pagtaas ng tensyon sa pagitan ng tatlong
nagtutunggaling kandidato sa pagka-gobernador ngayong bilangan kung
saan ay lumalamang ang bawat kandidato sa ginagawang sariling quick
count ay nananatiling tahimik ang lalawigang ito.
Ito ang pahayag ni
Sr. Supt. Keith Singian, provincial director ng Pampanga PNP kung
saan ay kasalukuyang ginaganap ang provincial canvassing sa Bren Z.
Guiao Memorial Convention Center.
Batay sa partial
unofficial result (as of 9:a.m) kahapon lumalamang si Lilia Pineda
na may botong 183,275; Fr. Ed Panlilio - 174,702; at si Governor
Mark Lapid -- 169,655;
Kaugnay nito,
nakiusap sa Abante si incumbent Pampanga Gov. Mark Lapid, re-electionist
governor na hindi na muna nito sasagutin ang mga tanong kundi aapela
na lamang ito sa mga Cabalen lalo na sa mga supporters nito na
maging mahinahon at nakikiusap din sa mga katunggali na hintayin na
lamang ang resulta ng bilangan.
|