Binay, Abalos proklamado na

(Abante Reportorial Team)

Dalawang nanalong mayor sa Metro Manila ang naiproklama na kahapon ng Commission on Election sa katauhan nina kahapon sina Makati Mayor Jejomar Binay at Rep. Benhur Abalos bilang bagong mayor ng Mandaluyong.

Dakong alas-6:00 ng umaga nang iproklama si Binay ni Atty. Shiela Roxas, election officer ng Comelec sa loob ng Makati Coliseum na kung saan naganap ang bilangan. Si Binay ay nakakuha ng kabuuang botong 198,814 samantalang ang kanyang kalaban na si Sen. Lito Lapid ay 22,462 lamang.

Kasabay nito, pinanumpa rin ang nanalong bise alkalde ni Binay na si Ernesto Mercado, gayundin ang mga nanalong kongresista ng lungsod na sina Teodoro Locsin para sa unang distrito at si Atty. Abigail Binay, anak ng mayor, para sa ikalawang distrito ng Makati at iba pang nanalong bagong opisyal ng lungsod.

Samantala, iprinoklama ng Comelec si Abalos bilang bagong mayor ng Mandaluyong City.

Si Abalos, anak ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ay nakipagpalitan ng puwesto kay Mayor Neptali Gonzales 11 na siyang nanalo naming bagong kongresista ng nasabing lungsod.

Di pa napo-proklama

Ang mga hindi pa naipo-prokalama na sigurado at inaasahang mga winners na batay na rin sa unofficial partial tally sina Senator Alfredo Lim bilang bagong mayor ng Manila;sa Marikina City, muling bumalik sa pagka-alkalde si Maria Lourdes Fernando;sa San Juan, nakatakda nang iproklama ng Comelec si re-electionist Mayor Joseph Victor Ejercito, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada; sa Muntinlupa, si Aldrin San Pedro;Virgilio ‘Nene’ Aguilar ng Las Piñas ; Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City; Parañaque Mayor Florencio Bernabi ng Parañaque, Malabon Mayor Canuto Oreta; Taguig Mayor Freddie Tinga, Quezon City Mayor Feliciano Belmonte; Navotas Mayor Toby Tiangco.

Samantala mahigpit pa rin ang karera sa saa Pasig, sa pagitan nina Reb. Robert ‘Dodot’ Jaworski at Councilor Robert ‘Boboy’ Eusebio, anak ni Mayor Vicente Eusebio, kuyng saan ungos ang huli; sa Pasay sa pagitan nina suspended Mayor Peewee Trinidad at Cong. Conniee Dee at sa Caloovan, sa pagitan nina Recom Echiverri at Boy Asistio. 

<BACK