"GABAY NG DIYOS"

Oh Panginoon, sa pamamagitan ng mga bagay na ito, nabubuhay ang mga tao;

At buong nasa ilalim niyan ang buhay ng aking diwa:

Kaya’t pagalingin mo ako, at ako’y iyong buhayin.

ISAIAS 38:16

www.abante-tonite.com

DAGDAG-BAWAS TINOTODO NG PALASYO

Ni REY MARFIL

DIRTY HARRY IS BACK!

Tinanggap kahapon ni mayoralty candidate Ali Atienza ang pagkatalo sa nagbabalik-alkaldeng si Alfredo Lim, kilala sa pagiging ‘no-nonsense’ Manila mayor dahilan upang mabansagan itong ‘Dirty Harry’ ng lungsod. Isa sa mga unang proyekto ni Lim sa pormal na pag-upo ay ang pagbubukas sa mga ipinasarang kalye matapos gawing liwasan ng nagdaang administrasyon. (Carlito Arenas)

Ibinunyag kahapon ni Genuine Opposition (GO) reelectionist Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, nagsimula nang gumalaw ang Malacañang sa nauna nitong planong pandaraya para ipasok sa ‘magic 12’ ang mga nangungulelat na kandidato, sa pamamagitan ng vote shaving na mas kilala sa tawag na ‘Dagdag-Bawas’, kahalintulad sa napabalitang Oplan Mercury Rising.

Sa report na natanggap ni Lacson, inumpisahan ng administrasyon ang special operation sa Sulu, patunay ang pagkaroon ng black out noong Mayo 16, gabi ng Miyerkules kung kaya’t kaagad nagpadala ng mga abogado ang kanilang kampo.

Puntirya ng vote shaving ang mga kandidatong sina Cong. Alan Cayetano, Lt. SG Antonio Trillanes, Atty. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, at Sonia Roco kung saan idadagdag ang matatapyas na boto sa mga kandidato ng TU na nasa labas ng ‘magic 12’.

Maliban sa mga nabanggit, puntirya rin ng vote shaving ng mga operators ang mga nangungunang senatorial candidate ng GO at dalawang independent at kabilang dito sina dating Sen. Loren Legarda, Cong. Chiz Escudero, Senate President Manuel Villar, Sen. Francis Pangilinan, Cong. Noynoy Aquino at dating Sen. Gregorio ‘Gringo’ Honasan.

Sa kasalukuyan, hirap makapasok sa ‘magic 12’ ng National Movement for Free Elections (Namfrel) sina Cong. Prospero Pichay, presidential chief of staff Mike Defensor habang akyat-baba si Cong. Juan Miguel Zubiri subalit napabalitang gumagalaw na ang galamay ng Malacañang sa mga tinaguriang vote rich provinces.

Kaliwa’t kanang brownout

Bahagi ng special operation ng Malacañang ang pagpapabagal sa pagbibilang ng provincial level, katulad ng nangyayari ngayon sa ARMM kung saan ipinapatupad sa Sultan Kudarat at pilit aniyang gawin ang canvassing sa Kapitolyo dahil kontrolado ng administrasyon kung kaya’t pumalag ang mga poll watchers ng oposisyon.

Bago nag-brownout sa Sulu, nasa No. 1 spot si Lacson, kasunod ang pito pang kandidato ng GO habang patuloy na iginigiit ng administrasyon ang bilangan sa Kapitolyo sa Sultan Kudarat na hawak ng Malacañang.

"Sa Sulu, 9pm last night nag-brownout na kaya natigil ang canvass. No. 1 ako, 7 sa GO ang pasok. Sa Sultan Kudarat, pinipilit gawin ang canvass ng mga munisipyo lahat sa Kapitolyo. Pinipigilan ng mga watchers at supporters natin doon," ani Lacson.

Maliban sa Sulu at Sultan Kudarat, nanganganib din ang boto ng GO candidate sa balwarte ni TU bet Migs Zubiri, ayon kay Lacson kung kaya’t kaagad nagpadala ng abogado ang oposisyon upang kontrahin ang pagmamanipula sa canvassing, kabilang ang pinangangambahang ‘switching’ sa election returns (ER’s).

Maging si Senate minority floor leader Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr. ay naalarma sa pambabraso ng Malacañang sa provincial canvassing matapos pagbawalan ang mga abogado ng GO na makapasok sa pinagdarausan ng bilangan.

Kinumpirma ni Pimentel ang naunang report na nakuha ni Lacson, partikular ang pagbabawal sa mga abogado ng GO na makapasok sa provincial canvassing sa Sulu at Mindanao State University (MSU) campus.

Isang Col. Supnet ang direktang itinuro ni Pimentel bilang promotor sa pagbabawal sa mga abogado ng GO na makapasok sa pinagdarausan ng bilangan ng Comelec sa MSU campus.

Visayas magic

Sa bahagi ng Visayas, direktang itinuro ni Lacson ang lalawigan ni Eastern Samar Gov. Benjamin Evardone bilang sentro ng special operation lalo pa’t nag-anunsiyo ito na mananalo ang kanilang kandidato kapag bumuhos ang command votes.

Ayon kay Lacson, isang malaking kasinungalingan ang command votes na ipinagmamalaki nina Evardone at Tonypet Albano, deputy spokesman ng TU candidates lalo pa’t namamayagpag sa iba’t ibang lalawigan ang mga kandidato ng oposisyon.

GMA boys nagpaparamdam

Kaugnay nito, direktang tinuro ni Lacson ang Bulacan, Quezon City, Cavite, Laguna, Pampanga at Batangas kung saan pawang taga-oposisyon ang namamayagpag sa bilangan.

Mismong si presidential adviser Gabriel Claudio umano ang nasa likod ng special operation sa limang lugar na nabanggit upang magsagawa ng operasyon na magbabaligtad ng resulta pabor sa TU.

Sa pinakahuling galaw ni Claudio, ito’y hindi aniya tumuloy sa naunang plano bagkus ipinaubaya sa kanyang mga tauhan at na-divert ang operasyon sa mga lalawigang malaki ang naitalang botante.

"Hindi na siya tumuloy sa Bulacan kagabi. Mga galamay niya ang gumagalaw sa mga vote rich provinces," ani Lacson sa Abante.

Namfrel, huling alas

Kaugnay nito, itinuturing ni Lacson na huling alas ng oposisyon ang Namfrel upang protektahan ang tunay na resulta ng bilangan matapos ipanawagan nitong tapusin ang pagbibilang hanggang sa huling election returns.

Ayon kay Lacson, kasalukuyang No. 3 sa Namfrel canvassing, mabubuking ang pandaraya ng Malacañang kapag tinapos nito ang pagbibilang hanggang sa huling election return (ER) lalo pa’t iisa ang kopyang pinagbabatayan ng bilangan.

<BACK