|
Sa ngalan ng pag-ibig,
isang kilalang kandidato ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang
nandaya sa bilangan para sa kanyang minamahal, kasabwat ang isang
ka-tropa sa fraternity.
Bagama’t
napakaruming maglaro sa pulitika ng kilalang kandidato, hindi
maiwasang matawa ni Mang Teban dahil napaka-obsessed nitong madikit
ang kanyang pangalan sa karelasyon.
Ang rason, pinuwersa
ng kilalang kandidato ni Mrs. Arroyo na malagay sa No. 2 spot ang
kanyang pangalan sa final tally ng isang lalawigan sa Norte,
kabuntot ng kandidatong karelasyon na nag-no.1 doon.
Tanging nakalulungkot,
dalawang kasamahan ng karelasyong kandidato ang nabawasan ng boto,
as in tinapyasan upang mailipat sa kilalang kandidato ni Mrs.
Arroyo.
Kung hindi nakialam
sa bilangan ang ka-brod sa fraternity ng kilalang kandidato ni Mrs.
Arroyo, tatapos sa No.2 at No.3 spot ang dalawang (2) kasamahang
kandidato ng karelasyon nito kung saan kakarampot lamang ang agwat
ng bawat isa.
Dahil in love ang
kilalang kandidato ni Mrs. Arroyo, nagawa nitong patapyasan ng 6 na
libo ang 12 libong nakatala sa No.2 candidates habang 2 libo ang
ibinawas sa No.3 candidates kung saan kinasangkapan ang isang
incumbent Congressman na ka-brod nito.
Sa final tally sa
lalawigan, nalaglag sa Top 5 ang No.2 at No.3 candidates matapos
matapyasan ng humigit-kumulang 8 libong boto ang dalawa (2) habang
umakyat ang kilalang kandidato ni Mrs. Arroyo sa No.2 at lomobo ang
kalamangan ng karelasyong kandidato sa No.1.
Pintahan n’yo na: May letrang
"M" si Congressman mula sa dulo ng Northern Luzon habang
ang dalawang (2) kandidatong na-operate ay meron initial na "P
at C." Ang kilala namang kandidato ni Mrs. Arroyo ay
deklaradong balimbing habang ang karelasyong kandidato’y
napakaiyakin. Kapwa may letrang "A" sa apelyido ang
magsing-irog. |