Bilang tao alam mo ba kung
anong purpose ng iyong buhay? Napaka-seryoso ng ating tanong pero
minsan kailangan na-ting bigyan ng pansin ang ganitong bagay.
Maraming nagsasabi na kung
hindi natin alam ang layunin sa buhay ay para lamang tayong
nagla-lakbay na hindi natin alam ang ating patutunguhan.
Kung hanggang sa ngayon ay
hindi mo pa alam ang layunin mo sa buhay, nangangahulugan na may
pangangailan tayo para maging malinaw sa atin ang lahat kung
bakit tayo nabubuhay.
Kailangan natin ng motivation
para malaman ang ating layunin. Kung walang motivation, wala tayong
mararating at kung kulang naman ito, hindi magiging lubos ang ating
accomplishments sa buhay.
Sa motivation, pumapasok
dito ang ating mga minamahal tulad ng pamilya, kamag-anak, o
kaibigan. Sila ang magtutulak sa atin upang ma-ging makabuluhan ang
ating pagsisikap sa trabaho, halimbawa, para umasenso.
Nasa mga taong nabanggit ang
ating rason upang magpatuloy sa buhay na may ambisyon na hindi basta
mangarap lang kung hindi ang isagawa ito para sa ikabubuti ng lahat.