SCHOOL BINOMBA SA GITNA NG CANVASSING

Ni Mark Manabat

Laglag --- Imbes na mag-banda ay sa selda ang bagsak nina Juan Carlos Afable at Ferdinan de Guzman nang maaresto ng mga tauhan ng CID ng Las Piņas Police sa Factor Compound, Las Piņas City matapos umanong pagnakawan ang mga residente ng Madison Brooklyn Condo., sa Alabang Road. (Rusty Roman)

Nabulabog ang bilangan ng balota sa school gymnasium sa Lantawan, Basilan makaraang hagisan ito ng dalawang granada ng di pa nakikilalang nag-iisang suspek kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Regional Office director, Chief Supt. Joel Goltiao ng ARMM PNP, kainitan ng canvassing ng mga balota bandang alas-nuwebe ng gabi nang maganap ang insidente sa Basilan State University sa nabanggit na lugar.

Sumambulat agad ang isang bomba na nagresulta sa pagpapanik ng tao sa canvassing area dahilan upang pansamantalang masuspinde ang bilangan.

Mabilis namang tumakas ang suspek habang narekober sa crime scene ang isa pang hindi sumabog na fragmentation grenade.

Itinuloy na rin naman aniya kahapon ng alas-8:00 ng umaga ang pagbibilang ng balota, ayon kay Goltiao.

Isang pamangking lalaki naman umano ni incumbent at reelectionist Lantawan, Basilan Mayor Tahira Ismael ang naiulat na sugatan sa insidente subalit patuloy pa rin itong sinisiyasat ng mga awtoridad.

Motibong pulitikal ang lumalabas na anggulo sa krimen.

<BACK