|
Sampung taong
pagkabilanggo ang ibinabang parusa ng Malaysian court sa 20-anyos na
Pinoy na pumatay sa kanyang bayaw sa nasabing bansa.
Ito’y matapos akuin
ni Mindan Abdul Hamsani ang pagsaksak sa bayaw na si Mukin Hawari,
38, noong Abril 22, 2006 sa kanilang tahanan sa Kampung Sungai Yeh
Yeh, Sempora.
Sa kabila ng
idinahilan ni Mindan na self-defense ang nangyari, nagdesisyon pa
rin ang Sessions Court na ikulong ito.
Ani Mindan,
pinagtanggol lamang nito ang ina mula sa pag-unday ng saksak ng
bayaw kaya’t sa halip na ang ina ang masawi ay naagaw ni Mindan
ang mahabang kutsilyo kay Mukin at sinaksak ito.
Nag-ugat umano ang
alitan sa mainit na usapan nina Mindan at Mukin hinggil sa kawalan
ng trabaho ng huli.
Mayroong mahigit
20,000 Pinoy sa Malaysia na karaniwang naging migrante na sa loob ng
mahabang panahon.
|