FRIDAY, MAY 17, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
TOP STORIES
Simbahan ‘talo’ sa eleksyon;
Mga galamay ni Gloria, talunan din
(Noel Abuel/Bernard Taguinod)
 

Talo ang Simbahang Katoliko sa nagdaang eleksyon dahil ang mga minarkahan nitong ‘Team Patay’ sa kanilang anti-RH Law campaign ay buhay na buhay ngayon sa senatorial tally ng Commission on Elections (Comelec) at ang karamihan naman sa tumakbong kongresista ay naiproklama na.


Marami ring talunan sa hanay ng mga kaalyado ni dating Pangulo at ngayo’y reelected Pampanga Cong­w. Gloria Macapagal-Arroyo.


Ayon sa Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD), napatunayan sa katatapos na eleksyon na walang masamang epekto ang ginawang kampanya ng Simbahang Katoliko laban sa mga pro-RH advocates dahil karamihan sa mga ito ay nagwagi sa eleksyon.


Tinukoy nito ang anim sa pitong senatorial candidates na inendorso ng grupong Purple Vote ang nangunguna ngayon sa bilangan ng balota. Ito ay sina Grace Poe, Loren Legarda, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Sonny Angara at Bam Aquino.


Habang sa panig naman ng mga pro-RH congressmen, kabilang sa mga nanalo sa eleksyon sina Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Dinagat Islan=ds Rep. Kaka Bag-ao, Batanes Rep. Dina Abad, Quezon City Rep. Bolet Banal, Pangasinan Rep. Kimmy Cojuangco, Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel, Manila Rep. Sandy Ocampo, Tarlac Rep. Susan Yap, at Lanao del Norte Rep. Imelda Dimaporo.


Kung namayagpag ang mga pro-RH advocates sa katatapos na halalan, nangamote naman ang ilan sa mga galamay ni Congw. Arroyo tulad nina reelectionist Siquijor Rep. Orlando Fua, Oriental Mindoro Rep. Ma. Amelita Villarosa (pagka-gobernador), anak ni dating Justice Secretary Raul Gonzalez na si Raul Gonzalez Jr., reelectionist Iloilo Rep. Augusto Syjuco, anak ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong na si Annie Datumanong, anak ni Zambales Rep.

Milagros ‘Mitos’ Magsaysay na si Jobo Magsaysay at mismong si Mitos na sumabak sa senatorial race.





Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.2196
Bahrain Dinar 109.339
Canadian Dollar 40.5516
Euro 53.0412
Australian Dollar40.5640
HK Dollar 5.30929
Japan Yen 0.402755
Saudi Riyal 10.9891
S’pore Dollar 32.9740
Taiwan Dollar 1.37531
UAE Dirham 11.2195
UK Pound 62.7182
COLUMNIST OF THE DAY
Labanan ng pera
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section