THURSDAY, MAY 17, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
ENTERTAINMENT
Lorna, kaabang-abang ang tapang sa ‘Valiente’
(DS)
 
 

 

Isang bagong karakter na naman ang ating matutunghayan sa mas umiinit na mga eksena ng Valiente. Makikilala na si Mila Regalado Arden, na gagampanan ni Lorna Tolentino.


Gagampanan ni Lorna ang papel na matalino, marangya, matapang, kilala sa pagiging tahimik pero isang prangkang tao.

Nakapangasawa ng Amerikano, hanggang sa nagkaroon ng negosyo sa Real Estate.


May personal na katiwala siya na si Simon – isang kasamahan nu’ng mga panahong siya ay naging isang rebelde. Nakababatang kapatid ni Don Luis Regalado (ginampanan ni Mr. Tirso Cruz III, dating may-ari ng Regalado Holdings, Inc. na ipinamana kay Gardo/Nicoals Vallejo). Siya ay anak nina Eduardo at Amelia Regalado- mga haciendero sa San Ildefonso na karatig bayan ng San Rafael, na pinamumunuan naman ng mga Braganza.


Gagawin niya ang lahat para maghiganti kay Gardo dahil iniisip niyang siya ang sanhi ng pagkamatay nito. Gagamitin niya ang posisyon sa negosyo at pagiging kadugo ni Don Luis upang mabawi ang Ragalado Properties at balikan ni Maila si Gardo.


Isang mahalagang pangyayari sa kanyang nakaraan ang matutuklasan, ang pagkakaroon niya ng anak na babae sa lalaking lubos niyang minahal, at ito’y iniwan niya sa isang ampunan.

 

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.8200
Bahrain Dinar 113.581
Canadian Dollar 42.3622
Euro 54.5295
Australian Dollar42.4831
HK Dollar 5.52340
Japan Yen 0.533786
Saudi Riyal 11.4474
S’pore Dollar 33.8456
Taiwan Dollar 1.44970
UAE Dirham 11.6876
UK Pound 68.5208
COLUMNIST OF THE DAY
Tungkol sa impeachment
PINOY NOBELA

GABAY NG DIYOS

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section