THURSDAY, MAY 16, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ISTAYL
PUMILI NG PABORITONG “CASA” SA BATAAN
 

 

 

Sa aming pagliliwaliw, kapag sinabi palang Bagac, Bataan sa paghahanap ng direksyon ay maraming hindi nakaaalam.

Subalit kapag tinanong namin ang Las Casas de Acuzar ay madali nilang itinuturo kung anong sasak­yan ang kukunin papunta doon.


Ang Las Casas ay galing sa pangarap ni Jerry Acuzar, na may-ari ng mga lupain sa tabi ng beach na matagal na niyang ninais gawin ang isang “Historical Village Resort.” Hindi naglaon at nag-umpisa na ang dating ng mga truck na may dalang semento at iba’t ibang kagamitan.


Ang Las Casas ay koleksyon ng dalawangpu’t dalawang (22) Bahay na Bato na galing sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Binili sila ni Mang Jerry sa kanilang may-ari, o ‘di kaya mga may hawak ng kanilang titulo.

Ang mga pangalan nila ay galing sa kanilang pinanggalingan: Casa Baliuag I,  Casa Baliuag II, Casa Binondo I, Casa Binondo II, Casa Hidalgo, Casa Tondo, Casa Candaba,  Casa San Miguel, Casa Vyzantina, Casa Meycauayan,  Casa Unisan, Casa Jaen I, Casa Jaen II, Casa Lubao, Casa Luna at Casa Cagayan.    

     
Nakatayo ang mga bahay sa kalyeng bato o cobblestone kamukha nang makikita sa Vigan, isang tanyag na UNESCO Heritage Village.


Si Mang Jerry ay isa ring arkitekto, kaya alam niya kung ano ang kinakailangan sa paglipat ng lumang bahay na bato sa malayong lugar.

Alam niya kung paano kumuha ng mga may dunong sa pag-restore o sa pagbabalik sa dating anyo (mga 300 taon na ang nakalilipas), at kung saan makakahanap pa ng mga kahoy at metal at pinturang malapit sa orihinal.


Ang pinakamagarbong bahay sa Las Casas sa itsura, at sa kasaysayan ay ang “Casa Hidalgo” na dating UP College of Fine Arts kung saan nag-aral sina Fernando Amorsolo, Tomas Mapua, Carlos Francisco, at Guillermo Tolentino. 


Ang “Casa Candaba” ang pinakalumang bahay na nailipat. Itinayo sa Pampanga noong 1780, dito tumitira ang Gobernador Heneral ng Espanya ‘pag bumibisita. Ang huling may-ari ay si Estanislao Reyes ng Pampanga.

Nagamit ito ng National Artist Gerry de Leon sa kanyang pelikulang Noli Me Tangere kung saan tumira si Maria Clara at si Kapitan Tiago. Ang paglilipat sa Bataan ay isinagawa noong 2005.


Ngayon ay marami nang events ang isinasagawa sa Las Casas. Kami ay nagkaroon ng oportunidad na bumisita at manirahan sa Casa Escolta na tumatayong hotel nila, nagsosolong bagong itinayo at hindi kasali sa pamilyang Heritage.

Naisama kami ng kilalang flamenco guitarist na si Adolfo Timuat ng Madrid sa kanyang pagtugtog kasama ang mga Flamenco Dancers na Pinoy sa Las Casas.


Talaga namang nakaka-impress ang ginawa ni Mang Jerry Acuzar. Sana, mas marami pang kagaya niya.

Maliban sa mga bahay ay marami ring magagawa ang mga bisitang ibig mag-overnight. May swimming pool o swimming sa dagat, mga restaurant at bar, mga bilihan ng arts at crafts na gawa ng mga katutubo ng Bataan.


Sulatan kami sa bibsy_2011@yahoo.com o sa www.facebook.com/bibsymcarballo.




 


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.1599
Bahrain Dinar 109.169
Canadian Dollar 40.4054
Euro 53.2313
Australian Dollar40.7292
HK Dollar 5.30326
Japan Yen 0.402785
Saudi Riyal 10.9750
S’pore Dollar 33.1153
Taiwan Dollar 1.37729
UAE Dirham 11.2055
UK Pound 62.6807
COLUMNIST OF THE DAY
Maling-mali ang mga anti-PCOS
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section