Sa gitna ng pagdedemandahan ng magkabilang kampo ng mga Barretto at Tulfo, tumutok ang tingin ngayon ni broadcaster/columnist Mon Tulfo sa demandang binabalak isampa ng Cebu Pacific ground crew laban sa aktres na si Claudine Barretto.
Kasabay nito, pinabigat din ni Tulfo ang inisyal na kasong isinampa niya sa mag-asawang Raymart at Claudine. Mula sa slight physical injuries na asunto ay inangat niya ito sa serious physical injuries. |