SI Sandra I. Seifert mula sa lalawigan ng
Negros Occidental ang tinanghal na Miss Philippines-Earth sa katatapos
lang na Miss Philippines-Earth beauty pageant na ginanap sa The
Arena of Entertainment and Recreation Center of the People of San
Juan.
Tinanghal
naman na Miss Philippines Eco-Tourism and Miss PAGCOR si Adie Adelantar
(Victorias City), Miss Philippines-Fire and Miss Science and Technology
naman si Patricia Marie Tumulak (Quezon City), Miss Philippines-Air
naman si Michelle Martha Braun (Aklan), at Miss Philippines-Water
naman si Catherine Loyola (Fil. Sydney).
Si Sandra nga ba ang tinanggal na kandidata sa Bb. Pilipinas 2009
dahil sa pagpu-pose niya sa isang magazine?
Well, kung siya nga `yon, at least, may title pa rin siyang napanalunan
this year, ha!
***
Iikot natin uli ang mundo Donita. Kung noon ay may sumikat na pangalang
Sarah Jane Salazar na namatay sa AIDS – heto naman ngayon
ang isa pang Sarah who’s inflicting us with a different aid.
Dalawang beses na naging Box-Office Queen si Sarah Geronimo at pataas
pa nang pataas ang ranggo niya sa pagkanta na walang iniwan sa landas
na tinahak at hagdan na inakyat ni Sharon Cuneta!
Ang naunang Sarah sa kanilang lahat ay si Sarah Calvin ng Sampaguita
Pictures “Stars 66”. Sarah remained a starlet and
disappeared quickly from the scene.
Indeed they do come in threes debah, Donita?
Pagpapatunay lang ‘yan na aral na aral sa akin si Boss Vic
when it comes to building a star and aiming it stay there for sometime
- not just for a while tulad ng mga starless starlets ng isang Miss
M!
***
Hindi na sana lumaki pa ang sunog kung ang tanging ginawa ng PEP
ay simple apology gaya nu’ng hinihingi ni Annabelle Rama kay
Jo-Ann Maglipon na sori, mali ang isinulat ng source nila.
Period. Tapos na ang usapan. Nailigtas pa sana ang PEP’s credibility.
Pero dahil sa pagmamatigas ni Maglipon, people now tend to believe
na naglalagay din pala ang PEP ng mga balitang-kutsero just to maintain
their readership?
Sana ginaya na lang ni Jo-Ann Maglipon ang ginawa ng RP Daily Expose
at nu’ng sumulat ng maling balita about Richard (another
Richard yan, huh!) Gomez.
In the year 2002, nabiktima si Richard Gomez ng maling headlines
na nakapatay ang aktor ng
apat na katao bukod pa sa ilang nasaktan.
Goma raw was driving a trailer train sa shooting ng isang movie
which cause the death of four people.
Nag-sori ang sumulat ng maling balita na isang Dave Ventura at inilabas
ang tape interview niya sa “S Files” hosted then by
Goma, Janice de Belen and Paolo Bediones.
Ventura admitted na nagkamali siya kasi raw kamukha ni Goma ‘yung
nagda-drive ng train na naka-dark sunglasses na isa raw pala sa
tatlong character actors na binaggit ni Ventura na involved sa shooting.
Goma was not in the cast of that movie so how can he be there and
more so - drive a controversial train?
Richard Gomez accepted Dave Ventura’s (sa panahon ni Ace Ventura,
huh!) apology na binuntutan niya ng “irresponsible journalism”.
Kung ganoon sana ang ginawa ng aming kaibigang Jo-Ann eh ‘di
na sana lumala pa ang non-issue at humaba pa ang prusisyon
na baka makarating pa sa senado bukod sa husgado noh!
Nakasagasa at nakapatay si Richard Gomez? Murder o Homicide? Gosh!
Mabuti na lang God was on Goma’s side,
huh!
|