THURSDAY, MAY 09, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
OPINION
Sampol! Sampol!

Ito ang aking kauna-unahang kolum dito sa Abante, nagpapasalamat naman tayo sa mga pinuno ng Abante na nabigyan tayo ng pagkakataon na ibahagi ang ating mga opinyon at paniniwala sa iba’t ibang mga mahahalagang isyu sa ating lipunan.  


Nitong Miyerkules ay ipinatupad ng ating Commission on Elections (COMELEC) ang Resolution No. 9688 kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang mga ordinaryong mamamayan na manghuli sa mga namimili o nagbebenta ng kanilang mga boto.  


Ito ay marangal ngunit sabi nga, “The road to hell is paved with good intentions.” Kung ang COMELEC ay hindi nagagampanan ang kanilang tungkulin na arestuhin ang mga tao gayundin ang mga pulitiko na nakikibahagi sa laganap na malawakang vote buying, iniisip ko kung paano magiging epektibo ang pagpapatupad nila ng nasabing cash ban.


Sa aking palagay, ang dapat gawin ng COMELEC ay magkaroon ng “roving checkpoints” upang arestuhin ang mga taong nakikibahagi sa pagbili ng boto na sigurado namang mahuhuli ng kahit na sinong miyembro ng COMELEC o ating kapulisan basta siya ay determinado o desidido na ipatupad ang batas.


Ang pamimili ng boto ay katulad ng ilegal na sugal gaya ng jueteng. Magtanong ng kahit na sino at siguradong sasabihin nila sa iyo na ito ay nangyayari sa maraming lugar at sa lahat ng oras. Huwag nating kalimutan na ang pamimili ng boto rin ang isa sa mga pinakamalaking sanhi ng pangungurakot sa ating gobyerno dahil kapag nakaupo na sa puwesto ang isang pulitiko, siguradong babawiin niya ang kanyang nagastos sa halalan.


Lantarang nagaganap ang bilihan ng boto at lumalala ito sa tuwing ang COMELEC at ang ating kapulisan ay hindi nagiging masigasig sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan. Hindi na kasi natatakot ang mga tiwaling pulitiko dahil kahit may batas nga laban sa pamimili ng boto, hindi naman ito naipapatupad ng ating mga kinauukulan.


Sa totoo lang, kung ang COMELEC ay magkakaroon ng lakas ng loob at tapang na magdiskwalipika ng kahit na 10 kandidato lamang na bumibili ng boto bago ang araw ng eleksyon, ito ay magiging mabisang paraan upang simula ng tapusin ang ilegal na gawaing ito.


Ang huling bagay na nanaisin ng isang pulitiko ay magkaroon ng disqualification case na ihahain sa laban sa kanya sa panahon ng kampanya. Hindi kasi nanaisin ng kahit sinong pulitiko na siya ay mapatunayang nagkasala dahil siguradong katapusan na ito ng kanyang career sa pulitika. Kung makikita ng pulitiko o kandidato na seryoso ang COMELEC sa kanilang pagpapatupad ng batas ay mag-iisip muna ito ng ilang beses bago pa man nito gawin ang kanilang masamang balakin.


Kung talagang nais na sugpuin ang vote buying, hindi dapat mag-atubili ang Comelec na gamitin ang kanilang kapangyarihan na alisin ang karapatan ng mga nagkamaling kandidato.

Kung nagagawa nito na idiskwalipika ang mga tinatawag nating nuisance candidates, mas lalo na dapat ang mga kandidato na hindi tumutupad sa ating mga batas.


‘Ika nga, hamon natin sa COMELEC, kailangan may masampolan para naman magkaroon tayo ng isang maayos at malinis na halalan!




LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 40.8379
Bahrain Dinar 108.309
Canadian Dollar 40.6654
Euro 53.5299
Australian Dollar41.6567
HK Dollar 5.26162
Japan Yen 0.413028
Saudi Riyal 10.8889
S’pore Dollar 33.1895
Taiwan Dollar 1.38835
UAE Dirham 11.1176
UK Pound 63.2347
COLUMNIST OF THE DAY
Sampol! Sampol!
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section