THURSDAY, MAY 09, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Nadine, complete na ang buhay kay Richard Chua
(ROSE GARCIA)

May karelasyon na ngang muli si Nadine Samonte.

Inakala pa namin noong una na si Emerson Chua na dating boyfriend ni Nadine ang nakikita namin sa Instagram account niya na tinatawag niyang “boo.”


Halatang in-love na in-love muli si Nadine at knowing Nadine, kapag in-love ito, hindi siya ang tipo ng ibang artista na nagtatago o nagde-deny.

Ibang Chua naman pala ang bagong boyfriend ni Nadine, si Richard Chua na hindi lang kami sigurado kung nakilala ba ni Nadine sa pagwi-wake board niya sa Nuvali o ito ang nag-introduce kay Nadine ng wake boarding.


Kahit super open naman si Nadine sa mga Instagram post niya ng bagong boyfriend, nang makausap namin ito sa pamamagitan ng Twitter account niya, tatawa-­tawa ito nang sumagot na, “no comment muna ako diyan,” nang tanungin namin kung gaano na nga sila katagal.


Sa Immigration nagtatrabaho si Richard Chua na dating nag-artita rin at anak ng aktres na si Isabel Rivas. Hindi namin tinigilan si Nadine at sinabi namin sa kanya na napagkamalan talaga naming ex-boyfriend niya ang bagong love niya ngayon dahil pareho halos ng pangalan ang dalawa.


Sinagot kami ni Nadine dito nang, “Ha! Ha! Ha! Hindi na kami magkakabalikan nun. He! He! Out na siya talaga sa buhay ko.”


At sa huli, sinabi na lang niya na, “Super ­happy ako ngayon. Parang complete na.”




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 40.8379
Bahrain Dinar 108.309
Canadian Dollar 40.6654
Euro 53.5299
Australian Dollar41.6567
HK Dollar 5.26162
Japan Yen 0.413028
Saudi Riyal 10.8889
S’pore Dollar 33.1895
Taiwan Dollar 1.38835
UAE Dirham 11.1176
UK Pound 63.2347
COLUMNIST OF THE DAY
Sampol! Sampol!
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section