ADS 

PIOLO AT REGINE, PINAGLARUAN NG MGA BADING!

Ryan, nabitin kay Bea Alonzo!

JENNYLYN, MAHUSAY MAGPALAMBOT!

Alfie Lorenzo

Para sa mga nag-aabang ng kolum ko kahapon, heto na po. Sige, mag-enjoy kayo sa pagbabasa at pag-aanalisa na rin.

After the showing ng DON’T GIVE UP ON US ni Juday and Piolo, isinunod kaagad ang SA PILING MO.

Now they’re doing it again, pabaligtad naman ang strategy nila ngayon for my Papa. Inuna muna ang teleserye bago ang pelikula.

So coming up is the Regine-Piolo movie na PAANO KITA IIBIGIN. Unang tile nito ay FALLIN, yes, fallin as in BUMABAGSAK or FALLEN na talagang BAGSAK na!

Nabasa siguro ng mga nerbyoso ‘yun kaya pinalitan ang title na MULI namang pinaglaruan ng mga bading at pinagkatuwaan pa sa text.

Ang isang text reads: Piolo: Paano kita iibigin? Regine: Paano nga eh, pareho tayong BABAE!

Another text naman: Piolo: Paano kita iibigin? Regine: Paano nga eh, bading ka?

Una pa lang nabalita na gagawa ng movie together sina Piolo at Regine, ang una kaagad tanong ng mga fans: ‘Ano ‘yun, mother and son?" Kasi raw kung past 30 na si Piolo eh, past 40 naman daw si Regine.

Taking that into consideration, pinaitim at dinumihan ang aking Papa Piolo para magmukha siyang mas matanda kesa kay Regine. Hayun nga ang dirty look ng Papa ko, pero PANGIT siya, huh!

Hindi na delicious and delectable! Kaya ang tanong, alin daw kayang movie ang papataubin ng tambalang Regine-Piolo, ‘yung Piolo-Donita Rose na Nine Mornings?

Hindi naman daw kaya ‘yung Piolo-Joyce Jimenez na I Think I’m in Love? Baka naman daw ilampaso nito ang Piolo-Bea Alonzo na Dreamboy, na inilampaso naman sa takilya ng isang Richard Gutierrez-Angel first movie team-up?

So, heto na uli ang mga malilisyoso at pilit na PINAGKAKABIT sina Piolo at Regine, na si babae naman ang apektado at nabibigyan ng pangit na eh, cheap na image pa. Nanggigil kuno si Regine sa kissing scene nila ni Piolo kaya kinagat ang lips nito! Oh yeah? Landing-landi si Regine kay Piolo sa hangad na mapa-KILIG ang sambayanan gayung alam na rin sa buong mundo na nali-link si Regine kay OGIE ALCASID!

Ano ba ‘yan Regine, ITINITINDA mo na ang katawan mo, puri at kahihiyan para lang magklik ang pelikula mo?

Ginawa mo na ‘yan doon sa last movie mo with Robin Padilla, ah? You gave everybody the impression na may namamagitan na nga sa inyo ni Robin, na nu’ng hindi mapaniwalaan ng ibang press ang kunwari eh, paglalandi mo kay Robin, didn’t you announced na HINDI KA NA VIRGIN!?

Napintasan ka tuloy ng katakut-takot dahil bakit kailangan mo pa raw ipagbanduhan na hindi ka na nga virgin? Pagka-birhen naman na pinintasan nu’ng ideklara ni Vina Morales that she’s still a virgin! "At her age?" sabi naman ng walang mga kasiyahang mga bakla, "Hindi pa siya nakakatikim ng masarap?" As opposed sa kawalan na ng virginity nitong si Regine?

Hindi ko na tuloy malaman ngayon kung sino ang pinaglalaruan ng mga babaing ito: Ang sarili nila, ang press people o ang publiko? Well sana naman tangkilikin ng publiko ang pelikula nila nang makita ng paying public ang pagwe-wetlook kuno ni Regine at Piolo – as if that matters naman, noh!

Para nga hindi na ibalik na naman ng Star Cinema si Piolo kay Juday para masagip. But this time, sure ako na ang isisigaw naman ni Juday ay "NEVER AGAIN!" bilang sagot noon sa binitiwang Milan statement ni Piolo na, "Oh no! Not again!"

Sabi na nga, be careful with what you wish for, for it might be granted! Bilog ang mundo mga Ateng. Ganyan talaga ang ikot ng buhay.

(ITUTULOY)

***

Nanghihinayang ang baguhang aktor na si Ryan Ramos sa pagkakaudlot ng love team nila ni Bea Alonzo. Dapat sana ay sa kanya itatambal si Bea noon, pero biglang-bigla ay nahila papalayo sa kanya ang dalaga.

Aminado si Ryan, matagal na niyang crush si Bea. Sabi niya, kung natuloy ang pagtambal nila ni Bea, `yun na sana ang pagkakataon para mapalapit siya rito at maligawan na rin.

"Hinahangaan ko talaga si Bea. Bukod sa maganda na siya, talented pa. Tapos, makikita mo na wholesome talaga siya.

"Noong nagsasama pa kami sa taping, minsan pinagmamasdan ko lang siya. Tinitingnan ko ‘yung mukha niya at pati na ‘yung mga galaw niya. Hanggang ganu`n lang ang nagagawa ko sa kanya noon."

Pero siyempre, tanggap na ni Ryan na hinding-hindi na niya makaka-loveteam pa si Bea. At mas lalong hindi na niya ito maliligawan pa.

Kaya naman, idinadaan na lang niya sa ngiti ang lahat, lalo na kapag naaalala niya si Bea, at `yung mga panahon na nakakasama niya ito.

Siyanga pala, si Ryan ay kamag-anak ng isang pulitiko sa Matnog, Sorsogon. Plano ni Ryan na tumulong para mai-promote ang kanilang bayan sa turismo.

Si Ryan din ang producer ng Sports 37 na mapapanood sa UNTV.

Nakikipag-tie up si Ryan sa Department Of Tourism para maisama bilang tourist spot/attraction ang kanilang lugar.

Kumakausap na rin si Ryan ng mga press para samahan siya sa paglilibot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para mai-promote ito.

***

Mahusay raw magpalambot si Jennylyn Mercado.

Totoo `yon, pero bago kayo mag-isip ng kung anu-ano, magpalambot po ng puso ng tao ang gusto naming tukuyin.

Sabi-sabi kasi na si Jennylyn ang dahilan kung bakit biglang-bigla ay naging malambot ang personalidad ni Patrick Garcia ngayon.

Hindi na nga raw katulad noon si Patrick na parang palaging mainit ang ulo. Na konting kibot lang, parang nagagalit na.

Hindi na rin daw katulad noon si Patrick na isnabero. Dahil mula raw nang maging karelasyon nito si Jennylyn ay naging malambing na ito sa ibang tao.

Hindi rin daw totoo na tutol na tutol ang pamilya ni Patrick kay Jennylyn. Katunayan, botong-boto nga raw ang pamilya ni Patrick kay Jennylyn.

Sabi ni Patrick, hindi rin daw, nakikialam ang kanyang pamilya sa mga karelasyon niya. Kung sino raw ang gusto nila, `yun na rin ang nagugustuhan nila.

Lalo na ngayon na magandang impluwensiya si Jennylyn kay Patrick. Pero ang tanong, gaano kaya katagal aabot ang relasyong ito nina Patrick at Jennylyn?

Aba, nasaksihan na sa showbiz ang pakikipagrelasyon nila noon, na sa simula ay makikita mo talagang mahal na mahal nila ang mga kapareha nila, na parang `yun na talaga ang makakatuluyan nila, pero makalipas lang ang ilang taon, bigla ring nawawala ang mga taong `yon sa buhay nila.

Pero sana naman, dahil maganda naman ang impluwensiya nila sa isa’t isa, magtagal na nga sila.

Siyanga pala, marami ang pumupuri sa katawan ngayon ni Jennylyn. Aba, seksing-seksi nga ito, ha!

Na dapat lang daw na maging seksi siya, dahil si Patrick nga kasi, mahilig sa mga babaeng seksi talaga.

May mga nagtatanong lang kung bakit parang may mga nagbago sa ibang bahagi ng katawan ni Jennylyn. Tulad na lang ng kanyang boobs na medyo lumaki yata, at pati na rin ng kanyang balakang, na parang kumurba na rin.

Dati raw kasi, medyo maliit ang kanyang balakang, at manipis din ang umbok sa kanyang dibdib.

Kunsabagay, sa panahon ngayon ay hindi na rin dapat busisiin pa ang mga pagbabago sa katawan ng mga babae sa showbiz. Aba, normal na lang sa ngayon ang magparetoke, `di ba?

At kung makagaganda nga sa katawan ng isang babae ang pagpaparetoke, okey lang `yon. At least, may effort siya na pagandahin ang kanyang katawan.

Hindi nga siya tulad ng ibang artista na lumalabas at lumalantad sa publiko na ang pangit-pangit ng katawan o ng itsura nila, `no!

<BACK