SUNDAY, MAY 05, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
TOP STORIES
Mala-pyramiding na vote buying, hinubaran
 (Bernard Taguinod)
 

NAGA CITY --- Istilong pyramiding scheme ang ginagamit ngayon ng mga pulitikong namimili umano ng boto para masiguro ang kanilang panalo sa darating na eleksyon.


Ito ang isiniwalat ng misis ni yumaong Interior Sec. Jesse Robredo na si Camarines Sur third district congressional candidate Atty. Leny Rob­redo sa panayam ng mga mamamahayag dito.


Ayon kay Robredo, hindi pa man umano nagsisimula ang eleksyon ay namimigay na ng pera ang mga mayayamang kandidato sa mga tao.


Sadyang hindi na babanggitin ang mga pulitikong namimili ng boto subalit sinabi ni Robredo na, “rampant dito (Camarines Sur) ang vote buying.”


Ayon kay Robredo, ang grounds, na ang tinutukoy ay mga botante na P300 ang ibinibigay kahit hindi pa nagsisimula ang botohan.


“‘Yung grounds niya, P300, pataas ‘yun. Kung tama ang pagkakaintindi ko, parang mayroon siyang pyramiding na listhan,” ani Robredo.


Nagsisimula umano ito sa municipal coordinator na mayroon namang tao mula naman sa mga barangay.


Ang mga kontak naman ng barangay coordinator ay ang mga purok leader na siyang mamimigay naman ng pera sa kanyang mga nasasakupan na siyang tinatawag na “grounds” o ang mismong mga botante.


Mayroon pa aniyang tinatawag na cluster heads na kakausap naman sa mga pami-pamilya upang makuha ang boto ng isang angkan sa lalawigan o kaya sa distrito.


Tila nakatagpo naman agad ng kakampi si Robredo sa isiniwalat na bagong istilo ng vote buying dahil kahapon, sa isang hiwalay na panayam, ay tiniyak ng sektor ng netizens o internet citizens na dodokumentuhan nila ang mga ilegal na gawain at iba’t ibang anyo ng iregularidad ngayong halalan, una na sa kanilang listahan ang vote buying.


Ayon kay Tonyo Cruz, “As netizens, we have the social media capital and channels to make our votes count, to help educate both candidates and voters, and help expand the coverage of the elections beyond what we see on TV and hear on the radio.”





Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 40.8697
Bahrain Dinar 108.408
Canadian Dollar 40.5476
Euro 53.6105
Australian Dollar42.1656
HK Dollar 5.26750
Japan Yen 0.412807
Saudi Riyal 10.8997
S’pore Dollar 33.1226
Taiwan Dollar 1.36758
UAE Dirham 11.1272
UK Pound 63.6489
COLUMNIST OF THE DAY
Paalam, Joy
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section