SUNDAY, MAY 05, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
TOP STORIES
Brillantes sa mga obispo: Magdasal kayo!
  (Juliet de Loza-Cudia)
 

Humihingi ng panalangin sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. para ipanalangin ng mga obispo na maging matagumpay ang idaraos na May 13 midterm elections.


Ito umano ang pinaka­mabuting magagawa ng mga obispo sa halip na magpahayag ng pagdududa sa gaganaping eleksyon.


“Nakikiusap ako sa lahat ng obispo, magdasal kayong lahat for 2013. That’s the best thing you can do,” apela pa ni Brillantes.


Kaugnay nito, hinamon ni Brillantes ang mga kritiko nito na patunayan ang mga umano’y iregularidad noong 2010 automated elections.


Nabatid na hindi nagustuhan ni Brillantes ang pag-iingay ng mga kritiko sa mga problema sa nakalipas na eleksyon ngunit wala naman aniya ni isa sa mga ito ang makapagpakita ng ebidensya na mali nga ang resulta ng halalan.


“Exactly, kaya nga sinabi ko puro ingay. Wala pang nagsasalita tungkol sa ebidensya na maling results ng eleksyon nu’ng 2010. Wala pa maski isa, walang nagpapakita,” ayon kay Brillantes.





Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 40.8697
Bahrain Dinar 108.408
Canadian Dollar 40.5476
Euro 53.6105
Australian Dollar42.1656
HK Dollar 5.26750
Japan Yen 0.412807
Saudi Riyal 10.8997
S’pore Dollar 33.1226
Taiwan Dollar 1.36758
UAE Dirham 11.1272
UK Pound 63.6489
COLUMNIST OF THE DAY
Paalam, Joy
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section