FRIDAY, MAY 03, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Mother Lily, gustong ‘pakasalan’ si Trillanes!
Jojo Gabinete

 

Para kay Regal Entertainment Inc. producer Mrs. Lily Monteverde, si John Lloyd Cruz ang aktor na kahawig ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes, pero sina Richard Gomez o Cesar Montano ang gusto ng magiting na senador na maging bida sa kanyang life story kapag isinapelikula ito ng movie outfit ni Mother Lily.


Malalim ang pinagsamahan nina Mother Lily at Senator Trillanes. Kahit hindi sila magkakilala, sinuportahan ni Mo­ther Lily ang Senate candidacy ni Senator Trillanes noong 2007.


Hanggang nga­yon, tumatanaw si Senator Trillanes ng malaking utang na loob mula kay Mother Lily at sa entertainment press dahil sa kanyang tagumpay noon.


Sa presscon kahapon ni Mother Lily para kay Senator Trillanes, sinabi ng Regal Films producer na kapag nag-reincarnate siya, gusto niya na pa­kasalan ang senador. Namula ang mukha at natawa si Senator Trillanes sa pahayag ni Mother Lily.


Seryoso ang image ni Senator Trillanes pero lumabas kahapon ang kanyang funny side nang kumpirmahin niya na may mga gay sa Philippine Military Academy.


Ayon kay Senator Trillanes, hindi sila discriminating sa mga kasamahan nila na gay pero walang intimacy at hindi consummated ang kabadingan sa PMA.


Nagtawanan ang lahat sa kuwento na magkakasabay na naliligo ng hubo’t hubad ang mga kadete ng PMA at sa punchline ni Senator Trillanes na puwedeng tumingin (ang discreet gays) pero hindi puwedeng “humawak.”




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.1799
Bahrain Dinar 109.222
Canadian Dollar 40.9117
Euro 54.2201
Australian Dollar42.6642
HK Dollar 5.30639
Japan Yen 0.422900
Saudi Riyal 10.9803
S’pore Dollar 33.4352
Taiwan Dollar 1.39887
UAE Dirham 11.2115
UK Pound 64.0250
COLUMNIST OF THE DAY
Magic survey
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section