Umaabot sa P175 bilyon kada taon ang hinihi-gop
ng mga rice smugglers mula sa kaban ng bayan.
Ito ang ibinun-yag kaha-hapon ni Sen. Jamby
Madrigal kaugnay pa rin ng kinakaharap na krisis sa bigas ng bansa.
“Based on the calculation of Fair Trade
Alliance, the government is being robbed of revenues amounting to
P 175 billion a year due to smuggling. Money which could have been
better used to subsidize the poor rice farmers,” ani Madrigal.
Aniya, lumala ang pagiging dependent ng bansa
sa imported na bigas matapos na ipairal ang trade liberalization
sa bansa.
Noong 1984 hanggang 1994, umaangkat lang tayo
ng 151,588 metriko tonelada ng bigas kada taon subalit noong 1995
ay tumaas na ito sa isang milyong metriko tonelada.
“1995 was the year when the Philippines
became a member of the World Trade Organization and intensified
trade liberalization, through the General Agreement on Tariff and
Trade (GATT) which then Senator Mrs. Gloria Macapagal- Arroyo strongly
pushed for,” paliwanag pa ng senadora.
Binigyang-diin pa nito na panahon na para baguhin
ng pamahalaan ang kanilang estratehiya dahil hindi habang panahon
ay umaasa tayo sa pag-angkat ng bigas sa ibang bansa.
“Rice importation will not resolve the
crisis we are in now, this is like putting band aid on a malignant
cancer,” pagdidiin ni Madrigal.
Kung hindi umano maaagapan ng pamahalaan ang
problema ng rice shortage sa bansa, hindi malayong umabot sa P50
ang kilo ng bigas sa bansa.
“At P50.00 per kilo of rice, this puts
rice beyond the reach of ordinary Filipinos who are now spending
only P 27.00 per day for their food requirements,” dagdag
pa nito.
Kahapon ay nagbabala si Dr. Felipe Medalla, dean ng University of
the Philippines (UP), School of Economics, na hindi mapipigilan
ang pagsirit ng halaga ng iba pang bilihin ngayong patuloy na tumataas
ang presyo ng bigas.
Sinegundahan naman ito ni Dr. Cielito Habito
sa pagsasabing, “Let’s prepare for the worst. Let’s
be ready to tighten up our belts because definitely the worst things
are coming.”
Sina Medalla at Habito ay kapwa dating kalihim
ng socio-economic planning ng nagdaang mga administrasyon at masasabing
parehong eksperto sa pag-aanalisa ng ekonomiya ng bansa.
Samantala, kaugnay ng pinatinding pagbabantay
sa merkado laban sa mga rice hoarders, profiteers at NFA rice rebaggers,
umaabot na sa 300 rice retailers ang inaresto ng Department of Agriculture
(DA) at National Food Authority (NFA) sa iba’t ibang bahagi
ng bansa, na ang karamihan ay sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao
kung saan mas malaki ang populasyon ng mahihirap.
|