FRIDAY, MARCH 23, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
ENTERTAINMENT
Baguhang aktor, nanguna sa Tanikala ng CBN Asia
(DS)
 
 

 

Sa darating na Semana Santa, muling matutunghayan ang mga istorya na siguradong aantig sa inyong mga damdamin. Handog ng Christian Broadcasting Network (CBN) Asia ang isa na namang obra: Tanikala: Ang Ikaapat Na Yugto na mapapanood mula April 5-7 sa GMA 7.


Tulad ng mga nakaraang taon, tampok sa Tanikala ang tatlong natata­nging istorya ng pag-ibig, pagpapatawad at paglaya – Gapos, Unos at Wasak. Bibida rito ang ilang sikat na artista tulad nina Amy Austria, Bembol Roco, Mike Lloren, John Arcilla, Roselyn Perez at ang Kapuso star na si Alden Richards.


Ngunit isang bagong pangalan ang tila lumitaw ngayon sa larangan ng pag-arte. Siya si Junjun Quintana, ang bida sa istorya ng Gapos. Gagampanan ni Junjun ang masalimuot na buhay ni Elmer Anibigno, isang pulis-Maynila na dating lider ng sindikatong Bulate Gang. Kasama ni Junjun ang batikang aktor na si Bembol Roco at isa pang baguhang artista na si Sonjia Calit.


Kahit first time na gaganap sa isang TV special, kapansin-pansin ang galing at determinasyon ng actor sa role bilang Elmer. Nagsimulang umarte ang 25-anyos na binatilyo sa mga indie films at sa theater.


“I started doing indie films before. I also have training and background in theater, so heto nabigyan ako ng project na ito and hopefully through this maka-penetrate po ito sa mga networks at mabigyan po ng iba pang projects. yun po talaga ang gusto kong mangyari sa career ko po,” ani Junjun.


Ang TANIKALA: ANG IKAAPAT NA YUGTO ay ang Holy Week special ng CBN Asia, producer ng weeknight inspirational TV show na The 700 Club Asia. Para sa karagdagang detalye sa Tanikala, i-LIKE lang ang www.facebook.com/tanikala4.

 

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.0990
Bahrain Dinar 114.305
Euro 57.0615
HK Dollar 5.55085
Japan Yen 0.517514
Saudi Riyal 11.4913
S’pore Dollar 34.1183
Taiwan Dollar 1.45900
UAE Dirham 11.7348
UK Pound 68.3957
COLUMNIST OF THE DAY
Mga biktima ng recruiter

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section