www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

PAMATID-INIT!
Ilan lamang ito sa mga kababayan natin na lumabas ng bahay matapos ang Mahal na Araw at dahil summer o tag-init na at para maibsan ang init ay nagtampisaw at naligo muna sa swimming pool sa La Mesa Ecopark sa Quezon City. (Jhay Jalbuna)

Resign Gloria tuloy....

HUDAS SA BAYAN BUHAY PA!

Nina Boyet Jadulco at Juliet de Loza

 

Nanindigan kahapon ang oposisyon na hindi pa patay ang resign call kay Pangulong Arroyo dahil hangga’t hindi nakakamit ng taumbayan ang hustisya ay patuloy silang mag-iingay para sa pagbaba sa puwesto ng chief executive.

Ito ang binigyang-diin ni Sens. Panfilo Lacson at Aquilino Pimen­tel Jr., matapos kontrahin ang pahayag ni Executive Secretary Eduardo Ermita na hindi na magkakaroon ng resurrection ang resign call sa Pangulo pagkatapos ng Semana Santa.


“Hanggang walang re­solusyon ang mga katiwa­lian at anomalya na kaga­gawan ni GMA at mga kampon niya, hindi matatahimik ang mga protesta at pagpupuna ng oposis­yon, religious at civil society kaya ‘wag pasisiguro ang Malacañang na puwede na naman silang gumawa ng kalokohan,” pagdidiin ni Lacson.


Idinagdag naman ni Pimentel na hindi matatahimik ang taumbayan kahit tapos na ang Semana Santa dahil nakaupo pa rin sa Malacañang ang hinihingi ng mamamayan na ipako sa krus.
“Buhay pa si Judas kaya ‘di pa puwede itigil ang sigaw: Magresign ka na!” ani Pimentel.
Nauna rito, naniniwala si Ermita na hindi na magiging mainit ang pagtanggap ng publiko sa mga hakbang na ginagawa ng mga anti-Gloria force para mapatalsik sa poder si Pangulong Arroyo pagka­tapos ng Holy Week.


Ayon kay Ermita, ina­asahan umano ni Pangu­long Arroyo na magi­ging destabilisado na ang sitwasyon ng pulitika sa bansa sa mga susunod na araw.


“The President knows the whole situation. She is very confident things somehow will continue to stabilize. Whatever effort are trying to do otherwise will not be as intense as during the past two weeks, especially Feb. 29 and last Friday,” ayon kay Ermita.


Ikinatuwiran ni Ermita na nalampasan na ni Gng. Arroyo ang krisis sa kanyang administrasyon matapos ang dambuhalang inter-faith rally sa Makati City may ilang linggo na ang nakaraan kung saan tinatayang 70,000 katao ang dumalo sa pagtitipon.


Ito ang pangalawang krisis na napagdaa­nan ng administrasyon ni Pa­ngulong Arroyo. Una ay ang Hello Garci scandal kung saan pati na ang mga mi­yem­bro ng gabinete nito ay hiningi ang pagbibitiw sa kanyang puwesto.


Subalit naisalba siya nina dating Pangulong Fidel V. Ramos at House Speaker Jose de Venecia Jr., at sa tulong na rin ng mga heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nakakapit pa rin ito sa puwesto.



 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section