LOS ANGELES ---Isang masayang
pagbati po sa inyong lahat. Malugod ko po kayong kinukumusta matapos
sabay-sabay nating natamo ang isa sa pinakamimithi nating hangarin.
I would like to report to the Filipino people and to all boxing
fans, especially my family and supporters: Mission accomplished!
Iuuwi ko na po ang World Boxing Council super-featherweight title
at ang Ring Magazine “People’s Champion” belt
nang magwagi ang buong sambayanang Filipino nitong Sabado (Linggo
sa Manila) sa Las Vegas, Nevada.
Marahil alam na po ninyo o narinig na ang naging resulta ng laban,
na nanalo ako sa pamamagitan ng split decision laban sa dating kampeon
na si Juan Manuel Marquez ng Mexico .
I congratulate Juan Manuel for giving his best, and I think he gave
out the best performance of his career. Our fight was a victory
for all of boxing because we proved to everyone that we have the
heart of champions and nobody backed off from giving the fans what
they paid to see and hoped to happen.
Marami po sa aking mga kababayan ang malugod na tumawag
sa akin upang batiin at marami akong natanggap na mga masasayang
comments, lahat sila ay naniniwala na ako ang karapat-dapat na nanalo
sa laban. I commend my opponent for coming up with the best offense
and defense which made our fight interesting and very, very close.
Naniniwala ako na iyong knockdown na naitala ko sa ikatlong round
ang isa sa pinakamalaking break para sa akin sa laban at wala akong
pangangamba na ako ang dapat tanghaling kampeon sa labang iyon.
Ang “Unfinished Business” namin ay “Finished Business”
na, kung ako ang tatanungin.
Marami ang tumutuligsa sa decision ng judges at nakakapanghina ng
loob na ang iba rito ay mga kapwa Filipino ko, kasama na rin ang
ibang miyembro ng media. Nakakapagtaka dahil mukhang mas magagaling
pa sila kaysa sa tatlong judges na nasa harap mismo ng entablado
at nakatutok sa laban. Ang iba sa mga tumutuligsa sa akin ay mga
taong nanood lamang sa harap ng isang maliit na TV kung saan maingay
o kaya sa madilim na sinehan. Hindi ko po sila masisisi. Sa isang
malayang lipunan, ang bawat isa ay may karapatang ibigay ang
kanyang opinion, maging tama man ito o hindi.
Walang problema para sa akin kung magkakaayos man ulit para
sa isang rematch kahit na sampong beses pa kaming maglaban, pero
bakit pa?
Napatunayan ko na kaya kong sabayan, talunin
at pabagsakin muli ang isa sa mga pinakamagaling na counter-puncher
sa larangan ng boksing at gaya ng naitalang decision ng tatlong
judges, wala na dapat pang pagdebatihan o pagtalunan pa.
Noong nagtabla kami noong unang laban namin at nagkamali ang isang
judge may nagsabi bang dapat paimbistigahan dahil nagkamali at umamin
ang isang judge na dapat 10-6 ang score sa first round at hindi
10-7? Hindi ko alam kung bakit nag-kumento ng ganito ang mga taong
ito, baka dala lang ng katandaan at hindi na alam ang ginagawa,
NAKO!!! Sana sa pag tanda ko hindi ako matulad sa kanila na
kung ano ano na lang ang mga pinagsasabi.
Hindi lang po ako natutuwa sa mga sinulat at
sinabi ni Ricardo “Recah” Trinidad ng Inquirer, kasama
na ang iba pa, dahil binabalewala na lang niya ang lahat ng sakripisyong
aking ibinibigay sa bansa at ang pag-aalay ko ng aking buhay. Narinig
kong gusto pa ng matandang ito na paimbestigahan ang mga hurado.
Natatawa na lang po ako, medyo naiinis na rin.
Ang tatlong judges, sila Tom Miller, Duane Ford at Jerry Roth, kasama
ang HBO analyst na si Harold Lederman ay nagkapare-pareho ng score
sa unang limang round, lamang ako, 48-46. Ang dalawa sa tatlong
official judges ay pumabor din sa akin sa pang-anim na round. Pare-pareho
ang mga score ng dalawa pang judges na si Miller at Ford sa round
9 at 10, na siyang nagbigay sa aking ng kasiguruhan na ako ang tatanghaling
kampeon sa huli.
Nakakadismaya na si Trinidad pa ang humihingi ng isang imbestigasyon
dahil sa hindi lang tumugma ang kaniyang opinion. Imbestigasyon
nino?
Imbestigasyon sa Senado? Imbestigasyon sa Korte
Suprema?
Imbestigasyon sa Las Vegas? Ginoong Trinidad,
umpisahan mo ang iyong balak, baka may makuha kang mga supporter
at makapag-umpisa ka na ring mag-martsa sa EDSA.
Kinukutya mo pa ako sa pagkapanalong ito dahil sa tingin mo ay nagkakawatak-watak
ang mga taong naniniwala na ako ay nanalo o natalo.
Hindi man lang binigyan ni Trinidad ng kaunting
kahihiyan ang kaniyang sarili.
Naniniwala ako na patas ang naging decision at diyan na dapat magtatapos
ang anumang usapan. Maraming salamat po.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. Have a blessed Holy Week and see
you all after Easter, sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesus.
|