GABAY NG DIYOS

St. Benilde target ang top 5 finish sa Shakey’s V-League

 

Bagama’t bagong salta pa lamang, ikakasa kaagad ng St. Benilde ang kanilang misyon na makatuntong sa Top 5 ng Shakey’s V-League na papalo sa Marso 30 sa The Arena sa San Juan.


“Shakey’s V-League represents the cream of the crop so we definitely don’t expect any easy game. We are new in the league and entering the top 5 is our main goal right now,” ani St. Benilde head coach Edwin Leyva.


Tiyak namang hindi magiging madali ang kampanya ng Blazers sa torneong inisponsoran ng Shakey’s Pizza dahil na rin sa hamong ibibigay ng veteran campaigners na San Sebastian, Ateneo, Far Eastern University, Adamson at Lyceum.


Nariyan din ang kalibre ng mga Visayan squads -- University of San Jose-Recoletos at University of St. La Salle-Bacolod -- na mas magpapahirap pa sa CSB spikers, ang runner up sa likod ng SSC Lady Stags sa katatapos pa lamang na NCAA tournament.


“Our games here will provide us the utmost exposure in order for our team to mature and develop faster,” dagdag pa ni Leyva, na umaasa sa tikas ng kanyang mga manlalarong sina Doreen Sanchez, Kerlyne Mulintapang, Erika Calomot, Erika


Yamaguchi, Kathryn Rose Pamintuan, LC Girly Quemada, Anna Katrina Maranan, Katty Kwan, Renilyne Kara Agero, Cindy Velasquez, Giza Yumang at Zarah Lasac.


Sa ilalim ng league format, ang anim na Metro Manila teams ay magsusukatan sa two-round elims kung saan ang top two squads ay bibigyan ng outright semifinal berths. Makakasama naman ng mga nalalabing teams ang Visayan squads sa quarterfinal round, na isang single-round phase kung saan dalawa ang aabante sa semis.


Kung sakali namang may koponang makakatatlong panalo sa limang quarterfinal matches ay magkakaroon ng one-game playoffs para sa No. 2 slot at huling semis berth.


Magtatagpo naman sa best-of-three finals showdown ang top two semis team habang ang huling dalawang squads naman sa semis ay haharap din sa parehong race-to-two series para sa third place.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section