GABAY NG DIYOS

Gaston, Banal suportado ang Ateneo-La Salle showdown

 

Sina coaches Fritz Gaston at Joel Banal ang ilan sa unang nagbigay ng suporta sa 1st PBA Ateneo vs. La Salle Showdown sa Araneta Coliseum sa Easter Sunday, March 23.


Kasama rin ang dalawa sa mga unang beneficiaries ng kikitain sa Blue Eagles-Green Archers exhibition match na mapupunta sa PBA Players’ Educational Trust Fund.


Ginamit ng dalawa ang pribilehiyo nila sa programa para makakuha ng mas mataas na edukasyon pagkatapos ng college at pagtigil ng kanilang professional basketball careers.


Sa pamamagitan ng Trust Fund ng liga, nakakuha ng kanilang masteral degrees sa Asian Institute of Management ang dalawang ex-PBA players.
Si Gaston ay nakatapos ng master’s degree in Business Management (1986-1988) habang nakuha ni Banal ang kanyang masters in Entrepreneurship noong 2002.


Anim na season na nag­laro si Banal sa PBA mula 1981-1986 sa iisang team, Great Taste.


Napunta rin si Gaston sa Great Taste, ang huling team niya sa liga sa career na mula 1979-1986. Nag­laro siya sa U-Tex, San Miguel, Crispa, at Manila Beer.


Si Gaston ang nagtimon sa RP women’s team na nakakuha ng bronze medal sa 24th Southeast Asian Games sa Thailand.


Dahil sa kanyang masteral degree in Business Management, nakapagtrabaho si Gaston sa Indonesia sa loob ng anim na taon.


“I hope both Fritz Gaston and Joel Banal would be an inspiration to all PBA players and also avail of their privileges allowed under the league’s Players’ Educational Trust Fund,” wika naman ni PBA commissioner Sonny Barrios.
Ang charity match na hatid ng Yakult Health Drink ay magsisimula ng alas-kuwatro ng hapon at mapapanood ng live sa Studio 23.


Sina Gaston at Banal ang huling dalawang coaches na naggiya sa Blue Eagles tungo sa UAAP championship.


Ibinigay ni Gaston, miyembro ng champion teams ng Ateneo noong mid-70s, ang varsity title ng eskuwelahan noong 1988 at 14 na taon ang nakalipas noong 2002, si Banal naman ang coach ng Ateneo champion team.


Parehong kampeonato at nasungkit sa pamamagitan ng panalo kontra La Salle.



 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section