www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Bgy. kagawad patay sa ambush
(Nilo Marasigan)

 

Nagkabutas-butas ang katawan ng isang barangay kagawad matapos tambangan at bistayin ng bala ng armalite rifle ng mga ‘di pa nakikilalang suspek sa Badoc, Ilocos Norte.


Labing-isang bala ng M-16 armalite rifle ang tumapos sa buhay ng biktimang si Francisco Palafox, barangay kagawad ng Bgy. Labot, Badoc at dati ring naging barangay chairman sa nabanggit na lugar.


Ayon sa report sa Camp Crame, naganap ang pana­nambang kamakalawa ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima na noo’y pauwi pa lamang buhat sa pagdalo sa isang okasyon.


Bigla na lamang umanong sumulpot ang tatlong armadong suspek at walang habas nang niratrat ng bala ang barangay opisyal na napuruhan sa kanyang dibdib at iba pang bahagi ng katawan.


Mabilis na tumalilis patakas ang mga salarin matapos isagawa ang krimen habang narekober ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya ang 11 basyo ng M-16 armalite rifle at dalawang basyo ng Garand rifle.


Masusi pa ring iniim­bestigahan ng mga awtoridad ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek at motibo nito.

 


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section