Hindi malaman kung ilusyon o totoo nga
ang madalas na ibinibida nitong Kongresistang may edad na
ukol sa kanyang karanasan umano sa mga babae noong panahon
ng kanyang kabataan.
Sa mga kuwento kasi ng kongresista, tila gusto nitong palabasin
na siya’y habulin ng mga babae at marami siyang natikman
gayong kung titingnan ang kanyang panlabas na itsura ay hindi
naman kagandahang lalaki.
Nakarating kay Mang Teban, na tuwing nakikipagkuwentuhan
umano ang kongresista ay wala itong bukambibig kundi ang kanyang
mga naging babae noong kanyang kabataaan at ibinibida
pa kung ano ang kanilang mga ginagawa.
Kaya tuloy minsan ay gusto na itong layasan ng kakuwentuhan
dahil nalalaswaan na sa mga lumalabas sa bunganga nito na
hindi na nababagay sa estado ng kanyang edad.
Ngunit may ilan naman itong nakuwentuhan na natatawa na lamang
dahil sa tingin nila ay imahinasyon na lamang ng kongresista
ang mga kuwento nito dahil wala naman sa kanyang itsura para
habulin ng mga babae.
Bukod dito, hindi naman ito mapera.
Pintahan n’yo nito: Mula sa Visayas region na isa sa
madalas tamaan ng kalamidad ang kongresistang ito.
|