“Panagdubla”, tampok sa Candon fiesta
(ROSE MIRANDA)

 


Isang bonggang city fiesta ang magaganap sa  siyudad ng Candon sa  Ilocos Sur  sa buong isang linggo simula  Marso 25 hanggang 31  kung  saan tampok dito ang dinadayong Tobacco Rolling Contest o “ Panagdubla”.


Ang bayan ng Candon ay kilala bilang “tobacco capital” ng Pilipinas at  pinakamalaking producer ng Virginia tobacco  sa bansa kung saan tatlong milyong kilo bawat taon  ang nalilikha nito mula sa isang-libong  hektarya  ng taniman sa siyudad.


Maliban sa Virginia tobacco,  kilala din ang siyudad bilang  producer ng mais, bigas, at iba pang agricultural crops  na siyang pangunahing source of income ng mga residente dito.
Ayon kay Candon City Mayor Allen G. Singson,   inaasahan nila na magiging masaya at matagumpay ang isang-linggong town fiesta nila kung saan  magsisimula ito sa pagbubukas ng Trade Fair (Calamay and Cornik promotion), Food and Beer festival at cultural show sa Marso 25.


Kinabukasan,  day 2 (Marso 26)  ay magaganap ang isang band competition at Search for Ms. Gay 2008 samantalang  magkakaroon naman ng free concert  at awarding ceremony sa Most Oustanding Candonians/ 2008 achievers sa day 3 ( Marso 27).


Sa Marso 28 ( day 4) ay ang pinakaka-abangang Tobacco Rolling Contest- “Panagdula” at Search for Ms. Virginia Tobacco 2008 na idaraos sa  Candon City Plaza at Candon Civic Center, ayon sa pagkakasunod.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section