www.abante-tonite.com
 
 
 

Pinoy, cyberspace boyfriend ng sumisikat na American actress!

 

PILIPINO ang cyberspace boyfriend ng sumisikat na American actress na bida sa isang hit movie. Nagkakilala ang dalawa sa isang internet website at dito rin nabuo ang kanilang love affair.


Mali­ban sa pag-uusap sa webcam, hindi pa personal na nagkikita ang American actress at ang kanyang Filipino boyfriend. Malaki rin ang agwat ng kanilang mga edad dahil mas matanda ang aktres sa boyfriend niya.


Ayaw sabihin ng Pinoy boyfriend sa kanyang mga magulang kung paano nag-umpisa ang cyberspace relationship nila ng American actress.


***


Sinabi ni Gabby Concepcion sa kanyang kaibigan na action-drama movie ang gusto niya na gawin, kung sakaling magbabalik-pelikula siya.


Si Rudy Fernandez ang choice ni Gabby na maging co-star sa pelikula kaya noon pa man, duda na ang kanyang kaibigan na hindi matutuloy ang project niya sa GMA Films.


Nabanggit pa ni Gabby na posibleng magkaroon ng katuparan ang tipo ng comeback mo­vie na gusto niya kung tutulong ang kanyang da­ting manager na si Lolit Solis.


Nasabi ito ni Gabby noong hindi pa siya nagdedesisyon na kunin bilang business manager si FLT Films producer Rose Flaminiano.


***


Nagpasalamat ang character actress na si Malou Crisologo dahil lumabas dito sa Abante ang item tungkol sa Sentenciada, ang Lenten Special na mapapanood sa Black Saturday at tinatampukan nina Lorna Tolentino at Gina Pareño.


Tungkol sa pagpapatawad, pagpaparaya, pagmamalasakit sa pa­milya at kapwa ang kuwento ng Sentenciada.


Mula sa script at direksyon ni Jun Lana ang Sentenciada at mapapanood ito sa darating na Sabado sa GMA 7, 7:00 p.m. to 9:00 p.m.


***


Ipinagmamalaki ni Mark Eyers (Executive Director for Programming) na number one kids channel sa Pilipinas ang Cartoon Network kaya ibinabalik nila ang “Halo-Halo Espesyal”.


Ang Halo-Halo ang special summer programming ng Cartoon Network para mga kabataan na 7-12 ang mga edad.


Ang Halo-Halo Espesyal ang mga top-ra­ting show ng Cartoon Network na pinagsama-sama at magkakasunod na mapapanood (Tom & Jerry, 9:00 a.m., Squirrel Boy, 9:30 a.m., Ben 10, 10:00 a.m. at Fantastic Four, 10:30 a.m.).


Mag-uumpisa naman sa April 21 ang mga bagong episode ng Robotboy, Powerpuff Girls Z, Mirmo, Pokemon Master Quest at ang all-new series ng Pokemon Advanced Generation.


Nagsimula ang Cartoon Network sa Pilipinas noong 2001 at ito ang nanguguna na children’s channel sa ating bansa. Mapapanood sa Cartoon Network ang mga sikat na cartoon shows ng Warner Bros., MGM at Hanna Barbera.


***


Naging madali para kay Cherry Pie Picache ang role niya sa Manay Po 2:

Overload dahil wala na siyang speech defect gaya ng kanyang ginampanan sa Manay Po 1.


“May speech defect ako sa Manay Po 1. Ang more apparent changes sa Manay Po 2 is maga­ling na ang speech defect ng karakter ko.


“That was one exciting part. At least, hindi na ako nahihirapan na magsalita. Actually, breather sa akin ang Manay Po dahil mga serious at dramatic films ang karamihan sa mga ginagawa ko. Ngayon, fun na lang.”


Sa April 16 ang showing sa mga sinehan ng Mano Po 2: Overload at ito ang ikalawang pelikula na pinagsamahan nina Cherry Pie at Rufa Mae Quinto.


Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section