|
Pinakawalan na ng Manila Police District (MPD)
ang tatlong miyembro ng Tau Gamma Phi na dinampot sa naganap na
explosion sa harap ng La Consolacion College sa Mendiola, Manila.
Ito ay matapos mabigo ang ilang testigo na ma-identify kung sino
sa kanila ang naghagis ng pillbox na nagresulta ng pagkasugat ng
15-katao kabilang ang dalawang security guard ng La Conslacion College
at Holy Spirit.
Kabilang sa mga dinampot ng MPD sina James Ken Hagmen, Joseph de
Vera, 4th year student, at Vincent Ferdinand Pangilinan, pawang
miyembro ng Tau Gamma Phi at estudyante ng Centro Escolar University
(CEU).
Ang tatlo ay dinampot matapos makitang tila may inaabangan sa naturang
lugar pero pinakawalan din nang hindi matumbok na siyang naghagis
ng sumabog na pillbox.
Nanatiling blangko ang MPD na makilala ang nasa likod ng naganap
na pagpapasabog sa harapan ng gate ng La Consolacion College.
Bagama’t patuloy ang mga awtoridad sa pag-iimbestiga
sa kaso kung saan nakasentro ang imbestigasyon sa frat war.
Samantala, hiningi na ng Manila Police District (MPD) ang tulong
ng Land Transportation Office (LTO) para makilala ang mga nasa likod
ng explosion.
|