NEW YORK --- Pinagbabayad ng
$57.6 million para sa real estate taxes ang mga pamahalaan ng India,
Mongolia at Pilipinas, matapos magbaba ng desisyon ang federal
judge dito na ang diplomatic privilege ay hindi nag-e-exempt sa
mga bansa para balikatin ang obligasyon ng mga ito.
Ang kautusan ay ipinalabas noong Lunes ni US District Court Judge
Jed S. Rakoff, kung saan ang kautusan ay umabot na sa Supreme Court
dito.
Sa international treaties, nakasaad na sovereign territory ang mga
konsulada at embahada kaya’t puwede silang hindi magbayad
ng buwis, gayunpaman, binigyang diin ni Rakoff na ang tahanan lang
ng head of mission ang kuwalipikado rito, base na rin sa Vienna
Convention on Consular Relations at Vienna Convention on Diplomatic
Relations.
Ang India ay pinagbabayad ng $42.4 million buwis para sa 26-story
tower nito malapit sa United Nations, $4.3 million buwis para sa
6-story building ng Mongolia at $10.9 million buwis para naman sa
building ng Pilipinas sa Fifth Avenue na may commercial tenants
tulad ng restaurant, bangko at airline office.
|