TUESDAY, MARCH 19, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
LUZON NEWS
Driver tinaga sa ulo, kritikal
(Joselito Perez)
 

Kritikal ang isang drayber matapos tagain sa ulo ng kasamahang drayber gamit ang isang jungle bolo dahil sa away ng kanilang mga anak sa Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan, kamakalawa.


Kinilala ang biktima na nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte Bulacan na si Darwin Supilis y Escala, 31, may-asawa, taga-Quezon City matapos magtamo ng isang mahabang hiwa sa ulo matapos itong tagain ng naarestong suspek na si Cesar Diaz Jr., 43, gamit ang isang kalawanging jungle bolo.


Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-singko kamakalawa ng hapon nang magtalo ang anak na lalaki ng suspek at ang biktima kasama ang anak nito na binatilyo sa hindi malamang dahilan.


Sa pag-aakala umano ng suspek na naaagrab­yado ang kanyang anak, kinuha nito ang kanyang jungle bolo at walang sabi-sabing hinataw ang ulo ng biktima.




Become a fan on facebook
Follow us on twitter

FOREX
US Dollar 40.7175
Bahrain Dinar 107.998
Canadian Dollar 39.7925
Euro 52.5508
Australian Dollar42.2164
HK Dollar 5.24684
Japan Yen 0.431441
Saudi Riyal 10.8576
S’pore Dollar 32.5527
Taiwan Dollar 1.36897
UAE Dirham 11.0865
UK Pound 61.4726
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section