DAPAT
sana ay may malaking party si Alma Concepcion para sa anak niyang
si Kobi (kay Mr. Dodi Puno), na walong taon na ngayon.
Kamakailan ay binati ni Gretchen Barretto si Kobi sa The Buzz. Si
Dodi nga ay natsitsismis kay Greta.
At dahil sa tsismis kina Greta at Mr. Puno, minabuti na lang ng
huli at ni Alma na huwag bigyan ng malaking birthday party si Kobi.
Kuwento ni Alma, alam ni Dodi na pupuntahan siya ng media sa mismong
party ni Kobi, para uriratin tungkol sa tsismis sa kanila ni Greta.
At para hindi raw maapektuhan si Kobi, minabuti nila na huwag
na lang mag-party.
Okey lang kay Alma na hindi nabigyan ng malaking party si Kobi.
Ayaw rin daw niyang magamit si Kobi sa tsismis kina Dodi at Gretchen.
Pag-amin ni Alma, hindi siya galit kay Gretchen. Sabi pa nga ni
Alma, mahal ni Gretchen ang anak niyang si Kobi.
Noong Feb. 14 daw ay niregaluhan pa ni Gretchen si Kobi.
Sa tingin ni Alma, magkaibigan lang sina Dodi at Gretchen. Wala
raw siyang makitang masama sa friendship nina Gretchen at Dodi.
Sa ngayon, nagpapasalamat si Alma dahil naging malinaw ang tsismis,
na hindi siya ang nagkakalat ng kuwento tungkol kina Dodi at Gretchen.
“Disappointed ako nu’ng una dahil tinuturo raw ako ni
Nadia Montenegro na source ng mga tsismis kina Gretchen at Dodi.
Alam niyo na naman na hindi na ako nagpupunta sa mga showbiz gatherings,
kaya wala na akong nakakausap na mga reporters.
“Nakakalungkot, kasi ninang ng anak ko si Nadia. Kaibigan
ko ang sister ni Nadia na si Tanya.
“Na-offend ako dahil ako ang pinagbibintangan nila. Eh, tahimik
na nga ang buhay ko.
“Walang reason para siraan ko si Gretchen o si Dodi. Wala
akong problema kay Dodi pagdating sa anak namin.
“Sabi nila, in love pa raw ako kay Dodi. More thank 8-years
ago na ‘yan. Friend ko na lang si Dodi ngayon.
“May boyfriend na rin ako ngayon. Ayaw niya na nagsasalita
ako tungkol sa ganito.”
Sabi ni Alma, nagkausap na sila ni Gretchen.
“Nag-usap kami para magkaliwanagan. Alam niya kung sino ang
may kasalanan.
“She’s very intelligent person, understanding and loving.
At wala akong masasabing pangit kay Gretchen. Mahal niya ang anak
ko, at mahal ko si Gretchen.
“Madalas kaming mag-text ngayon ni Gretchen. Nag-lunch kami
the other day hanggang umabot na kami sa dinner.
“Mabait si Gretchen. I will protect her. Hindi ko hahayaang
masaktan siya o masira ang friendship namin.
“Ang ganda na ng buhay ko ngayon. Happy ako at t
Tahimik na lahat. Allergic ako sa away!”
sabi na lang ni Alma.
|