KUMPIRMADONG
si Katrina Halili ang magbibida sa TV version ng Magdusa Ka! na
pinagbidahan ni Dina Bonnevie nu’ng 80s sa bakuran ng Viva
Films.
Sa pelikulang ito humakot ng acting awards si Dina na mapapanood
sa bagong version ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita sa GMA
7.
Ayon kay Katrina, sa sagot niya sa text namin, after Holy Week na
ang start ng taping niya for Magdusa Ka! Sa pelikula noon, masunuring
anak si Dina hanggang sa nagrebelde sa inang ginampanan ng yumaong
si Nida Blanca.
Sabi pa ng epektibong kontrabida sa katatapos na Marimar, ang alam
lang niyang makakasama niya sa series ay sina Dennis Trillo at Cristine
Reyes, pero hindi pa niya alam ang director.
Sino kaya ang gaganap bilang ina niya dahil alam namin, importante
ang role ng nanay sa istorya kung hindi ito babaguhin, huh!
At least, hindi na matetengga ang byuti ni Katrina after ng epektibo
niyang pagganap bilang Angelica sa katatapos na Marimar.
Teka, does it follow na pumirma o pipirmang muli
ng kontrata sa GMA si Katrina? Text namin sa sexy actress.
“Hindi pa po ako pumipirma pero may meeting po ang attorney
ko kay Tita Ida (Henares, GMA Artists Head),” text ni Katrina
sa amin.
‘Yan ang bongga kay Katrina. Hindi basta-basta nagsasara ng
pintuan sa mga taong nagbigay sa kanya ng break sa showbiz.
***
Malabo na ngang gawin ni Gabby Concepcion ang comeback movie niya
sa GMA Films na dapat ay kasama si Jolina Magdangal. Heto nga’t
naglabasan na ang balitang si Dennis Trillo ang kapalit niya.
Sayang, hindi namin na-save ‘yung e-mail sa amin ng isang
reader.
Nagkaroon daw kasi ng talakan between Gabby at
isang executive ng GMA Films dahil sa pagba-back out ng aktor sa
project.
Of course, hindi namin alam kung totoo ang e-mail na ‘yon
ng reader namin.
Anyway, nabalitaan din namin kung merong gustong gawin si Gabby
na comeback movie niya, ‘yon ay ang makasama ang anak niyang
si KC Concepcion, huh!
Interesado naman daw ang Star Cinema sa project. Ewan lang namin
kung priority nila ito ngayong naglalabasan na ang balita na ang
unang makakasama ni KC sa first film niya ay si John Lloyd Cruz.
Naku, eh, ‘di isama si Gabby sa KC-John project dahil
malaking come on din ‘yun sa first film ni KC, magsisilbi
ring comeback movie ng father niya, ‘no?
***
Malapit nang ikasa sa telebisyon ang napiling finalists sa Pinoy
Idol lalo na nga at tapos na ang isinagawang auditions ng GMA
sa buong bansa!
Bale 178 na aplikante ang masuwerteng nakapasa sa panlasa ng mga
huradong sina Wyngard Tracy, Jolina Magdangal at Ogie Alcasid.
Gold tickets ang dala-dala nila upang makapasok sa elimination round.
Siyempre pa, sasalaing mabuti ang nakapasok dahil pipiliin sa kanila
ang Top 12. Ilang auditions pa ang gagawin nila para mahirang sa
Top 12 finalists sa first ever Pinoy Idol sa bansa!
Tumanggap ng malugod na suporta ang Pinoy Idol auditions sa iba’t
ibang probinsiya at Kamaynilaan. Pila to death ang bata o matanda
para makamit lang ang titulong unang Pinoy Idol.
Sa pag-ere ng PI sa Abril, ipamamalas muli ni Raymond Gutierrez
ang husay niya sa paghu-host at aabangang tiyak ang maaanghang
na komento ng mga hurado lalo na si Wyngard.
Ang Idol ay pag-aari ng Freemantle at bukod dito, napapanood din
ito sa Amerika, United Kingdom, Australia, Singapore, Canada, France,
Germany, Indonesia, Vietnam at Norway.
In fact, meron na ring Bulgarian Idol kung saan hit na hit ngayon
sa YouTube ang kumanta ng “Ken Lee” ni Mariah Carey.
Abangan ang engrandeng premiere ng Pinoy Idol, ang pinakamalaking
talent search mula sa Kapuso Network!
***
For comments and reactions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com.
|