MAY
problema sa letters ‘B’ at ‘P’ si Janina
San Miguel, ang newly-crowned Bb. Pilipinas-World. Nang mainterbyu
namin si Janina, showviz ang bigkas niya sa showbiz word at nang
mag-guest siya sa Showbiz Central noong Linggo, letrang ‘F’
ang kanyang pagkakabigkas sa isang salita na may letter ‘P’.
Kung magiging conscious si Janina sa pagbibitaw ng salita, maiiwasan,
mababawasan o magagamot ang kanyang problema sa letra.
***
Tatlong beses naming pinanood ang laban nina Manny Pacquiao at Juan
Manuel Marquez sa Las Vegas noong Linggo. Una naming pinanood ang
kanilang boxing match sa Cinema 1 ng Gateway Mall dahil mas thrilling
manood kung nagsisigawan ang mga tao sa loob ng sinehan sa tuwing
nakakapuntos si Manny laban kay Marquez.
Tumatahimik ang audience kapag dehado si Manny dahil sa takot na
baka mapatumba o matalo siya ng kanyang kalaban.
Natapos ng 12:15 p.m. ang live coverage sa mga sinehan ng boxing
match nina Pacquiao at Marquez kaya naabutan pa namin ito na nag-uumpisa
pa lang sa GMA 7 (2:00 p.m.) nang makauwi kami ng bahay.
Kinagabihan, nagkaroon ng replay sa RPN 9 ang Pacquiao-Marquez at
muli namin itong pinanood para aming makuha ang kumpletong pangalan
ng 14-year-old Fil-Am-Mexican girl na umawit ng US National Anthem
sa nabanggit na laban.
Jasmine Villegas ang pangalan ng magandang bata na mahusay kumanta
at nakatira sila ng kanyang pamilya sa San Jose, California.
Twelve years old si Jasmine nang ma-discover siya ng entertainment
entrepreneur at super-producer na si Damon Dash.
Si Damon ang nag-launch ng singing career nina Jay-Z, Kanye West
at Cam’ron.
Ikinukumpara ang singing talent ni Jasmine sa mga sikat na American
singer tulad nina Alicia Keys at Whitney Houston.
Sa isang interbyu kay Dash, sinabi nito na naniniwala siya na gagawa
ng history sa US music scene ang young Fil-Am singer.
“I only want to affiliate myself with people that will
make history… I truly believe in my heart, Jasmine Villegas
will make history,” ani Dash sa artikulo na inilabas ng Asian
On-line Journal.
Bukod sa pagkanta, print ad at commercial model sa Amerika si Jasmine.
Siya ang print ad girl ng Target, Mary Kate and Ashley, American
Girl, Levi’s at Hilary Duff.
Lead role siya sa mga commercial ng Chevrolet, Marshalls at McDonald’s.
Nag-guest na si Jasmine sa Disney’s “That’s So
Raven,” at “My Wife and Kids” ng Touchstone Pictures.
***
Napagod sina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez sa biyahe nila sa
Las Vegas. Sa text message na natanggap namin mula kay Lorna, pabalik
na sila ni Rudy sa Los Angeles para sa doctor’s appointment
ng kanyang asawa.
Pumunta muna sila sa Las Vegas para panoorin ang laban nina Pacquiao
at Marquez na ikinapagod nila.
Magpapagamot sa US si Rudy kaya dalawang buwan silang mawawala sa
Pilipinas ni Lorna. Babalik sila sa May.
***
Hindi crime free ang Metro Manila noong Linggo habang nagpapalitan
ng matitinding suntok sina Manny at Juan Manuel.
Ipinakita kahapon sa Unang Hirit ang video report tungkol sa bus
na hinoldap sa kahabaan ng Edsa. Nasamsam ang mga personal na gamit
ng mga pasahero at may mga nasaktan sa kanila dahil sa pananakot
ng mga holdaper na may bomba sa loob ng sasakyan.
Dati-rati, walang krimen na nagaganap sa Metro Manila sa mga nakaraan
na laban ni Mannny.
***
Sanggol na babae ang isinilang ng 41-year-old actress na si Halle
Berry noong Linggo (March 16) sa Cedars-Sinai Hospital, Los Angeles.
Ang baby girl ang panganay ni Halle at ng kanyang 32-year-old
model boyfriend na si Gabriel Aubry.
***
Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.
|