www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

ARAW NI FLOR
Nagsagawa ng protesta kahapon ang mga kaanak ng OFWs bilang paggunita sa ika-13 anibersaryo ng kamatayan ni Flor Contemplacion, ang binitay na Pinay worker. (Art Son)

SC NILULUMPO NI GLORIA?
Nina GRACE VELASCO at ROSE MIRANDA

 

Iniluklok bilang pinakabagong ma­histrado ng Korte Suprema si Labor Sec. Arturo Brion at agad itong nagdeklara ng kahandaang makibahagi sa deliberasyon ng kontrobersyal na isyung bumabalot sa ini-invoke na ‘executive privilege’ ni CHED Chairman Romulo Neri.


“I’m a full member of the Court now and I’m willing to participate (in the deliberations),” ani Brion sa isang ambush interview sa Korte Suprema nang agad na manumpa kay Chief Justice Reynato Puno pagkababang-pagkababa ng kanyang appointment mula sa Malacañang.


Hindi sana aani ng atensyon ang kapuna-punang pagmamadali ni Brion na makapanumpa at makibahagi agad sa deliberasyon ng Supreme Court (SC) patungkol sa isyu ng ‘executive privilege’ invocation ni Neri kung umugong mismo sa Malacañang ang balitang tabla sa botong 7-7 ang mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman sa petisyon ng Senado hinggil sa pagdalo ni Neri sa NBN-ZTE probe kung saan ini-invoke ng huli ang ‘executive privilege’ para protektahan ang ilang impormasyong may kinalaman sa komunikasyon nila ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo patungkol sa kontrobersyal na broadband project.


Sa pagpasok ni Brion, lumakas ang hinalang tuluyan nang malulumpo ng palasyo ang SC na magbibigay-daan sa desisyong paborable sa executive branch at kontra naman sa interes ng Senado, anang isang insider.


Ngunit mabilis na nilusaw nina Executive Sec. Eduardo Ermita at Press Sec. Ignacio Bunye ang mga wa­lang basehang hakahaka.


“Supreme Court Justice Arturo Brion brings with him a wealth of experience as a public servant and legal luminary. He is a man of proven integrity and independence...with probity, patriotism and competence,” diin ni Bunye na agad namang sinegundahan ni Ermita ng mga pahayag na hindi dahil appointed ng Pangulo si Brion ay tama nang kuwestyunin ang kredibilidad at pagiging independent ng mga SC justices sa kabuuan.


Umaabot na sa 12 mahistrado ang naiupo ni Arroyo sa buong panahon ng kanyang panunungkulan sa palasyo.


Nauna nang ipinaliwanag ni Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng SC, na makakasali lamang sa botohan ang bagong luklok na mahistrado kung nakasama ito sa deliberasyon ng kaso hinggil sa legalidad ng paggamit ni Neri ng ‘executive privilege’ sa kanyang Senate appearance.


Ngunit hindi naman matiyak kung muling tatalakayin sa en banc session ngayong araw ang tungkol sa kontrobersya.


Si Brion ay pumalit sa puwestong binakante ni Justice Angelina Sandoval-Gutierrez na nagretiro noong Pebrero 27.


Ipinalit naman kay Brion sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa acting capacity si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Marianito Roque.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section