Isang tulog na lang at sisiklab na ang pinanabikang
rematch nina Pinoy ring icon Manny Pacquiao at WBC super featherweight
champ Juan Manuel Marquez ng Mexico sa Marso 15 sa Mandalay Bay
Resort and Casino (bukas, Marso 16 sa Pilipinas).
Kung gaano kasabik ang mga fans mas higit na excited at atat na
atat nang sumampa sa ruweda ang magkaribal na boksingero.
Aminado ang 29-anyos na si Pacquiao na higit siyang dedikado at
gutom ngayon kumpara sa mga nakaraan niyang labanan kaya titiyakin
niya ang tagumpay sa labang tinaguriang “Unfinished Business”.
“I realized that I was not as hungry as I had been when I
started boxing,” ani Pacquiao. “I’m hungry now.
Before, I was 50 or 60 percent dedicated to boxing. Now, I am 100
percent dedicated,” ani Pacman.
Si Pacquiao (45-3-2, 35 KOs) na 2-1 paborito kontra kay Marquez
(48-3-1, 35 KOs) ay nangakong hindi na mauulit ang resulta ng laban
nila noong Mayo 8, 2004, na nauwi sa controversial draw nang magawang
bumangon at tapusin ng Mehikano ang 12 rounds matapos tatlong beses
pabagsakin ng Pinoy southpaw sa first round.
At talagang pinaghandaan ng husto ng binotong 2006 Fighter of the
Year ng Boxing Writers Association of America na si Pacquiao, ang
sagupaan.
Hindi kagaya ng maiksing preparasyon niya sa laban kay Jorge Solis
at kay Marco Antonio Barrera na ginawa pa sa Cebu noong nakaraang
taon, mahigit dalawang buwang nag-ensayo si Pacman para sa rematch.
It was Manny’s choice,” ani Roach.. “Manny told
me he wanted to come eight weeks before (the fight). He showed up
on time and he knows how tough a fight this is. There have been
no distractions in camp whatsoever.”
Aminado si Pacquiao na hindi basta-bastang kalaban si Marquez kaya
kailangang paghandaan niyang mabuti.
“First I realized Marquez is not an easy opponent, and second
is I realized I had not been as hungry as I had been before when
I started boxing,” Pacquiao said. “I’m hungry
now, hungry enough to win.”
Nakatakdang gawin ngayon ang official weigh-in ng dalawang fighter
at inaasahang parehong hindi magkakaproblema sa timbang.
Samantala, umaasa ang Philippine National Police (PNP) ng zero-crime
rate muli sa bansa sa araw ng laban ni Pacman.
“Just like in the past fights of Manny Pacquiao, we expect
again a tremendous decrease in the crime volume this Sunday, or
even to the extent of anticipating a zero-crime rate during the
period of the fight,” ani PNP spokesman Sr. Supt. Nicanor
Bartolome sa ginanap na news briefing sa Camp Crame.
“This goes to show that we Filipinos are really in support
of a countryman who will again show the true form of a Filipino
boxer,” ani Bartolome na sinabing alerto’t nakabantay
pa rin ang PNP sa mga magsasamantala sa sitwasyon.
|