Di makaiwas sa tukso (4)

Dear Dra. Holmes: (shortened version of Jan 2 letter)

Thirty six na ako, tatlong taon hindi nagkasama sa aking asawa na isang OFW. Nagkaruon ako ng ka relasyon habang wala sya: isang 19 y/o.
Wala po akong balak na sirain ang familya ko, pero napamahal na rin sa akin ang batang ito. Nangako ako na patatapusin ko siya ng kanyang pag aaral.

Wala akong pinangarap kundi ang buo ang familya ko pero kahit saan ako magpunta makilala ko lang ang babae kung hindi ako ang makipag communicate sa kanya siya ang gumagawa ng paraan para mag-usap kami, katunayan kararating ko lang dito sa abroad ganun na po ang nangyari sa akin.

Conscious Guy

Dear CG:

Dahil pinangako mong patatapusin mo ang pag-aaral niya, ang aking opinyon ay na tuparin mo ito.

Pero sana, magawa mo ito bilang kaibigan at hindi bilang kasintahan. Magagawa mo ito kung ipaalam mo sa asawa mo ang pangako mo at, in fact, siya ang padalhan mo ng pera sa batang ito para matapos na ang contact ninyo. Para hindi na matutuksong ituloy ang relasyon ninyo bilang magkasintahan.

Kung kailangan mong sabihin sa batang ito kung bakit iba na ang nagpapadala ng pera —na ikaw ay may asawa na at walang balak sirain ang pamilya mo (your own words), so be it.

Palagay ko rin na, sa una, magagalit siya, pero kung talaga ka niyang mahal, hindi ka lang niya tatanggapin uli, pero magpapasalamat siya na ikaw ay may determination (?) magbago.

Bakit ko nasabi yan? Palagay ko alam niyang medyo “pabling” ka at natanggap na niya na ikaw ay malapitin sa babae. Baka hindi niya alam ang: “extent” (lalim?) ng iyong “pagkalapit.” Baka hindi niya alam na sa ibang babae ay mayroon ding kasamang pagsisiping at paglalambing, at, pagbibigay ng pera. Kahit na ang layunin ng pagbigay ng pera ay mabuti (halimbawa, para matuloy ang pag-aaral) kinukuha mo pa rin ito sa pera ninyong mag-asawa at dine-deprive ang iyong mga anak ng pera para sa kanila.

Yan siguro ang interpretasyon ng asawa mo sa iyong dating kilos, pero basta ang feeling niya ay sinisisi (?) mo ang iyong sarili at seryoso ka sa di ka na mangangaliwa, palagay kong kaya pa rin tanggapin ka.

Palagay mo matagal na niyang alam anong klaseng lalake ka—na malapit ka sa babae. Kung kusang loob mong aminin ang extent (lalim) ng relasyon mo sa batang ito, ibig sabihin ay sinisikap mong talagang magbago na.

Bihira ang asawang hindi patatawarin ang lalakeng talagang gustong magbago.

Mahirap gawin, alam ko, pero kung talagang seryoso ka na ayaw mong sirain ang pamilya mo, ito ang (sa palagay ko) pinaka derechong paraan gawin ito. Good luck at ingat—MG Holmes



Si Dra Holmes ay sumusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at sa Abante Tonite tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa kaniyang website www.margaritaholmes.com Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot ng personal .

 
 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section