Pinoy Green House: Farmers & Fishers Cooperative

 

Binabati natin ang mga Abante readers, Philippines-wide at Earth-wide, lalo na ang mga sumusubaybay sa Pinoy Green House: 50 metrong Palaisdaan at Gulayan.


Tuluy-tuloy pa rin ang libreng training tungkol sa Pinoy Green House tuwing Sabado at Linggo, alas-8:00 ng umaga - alas-2:00 ng hapon sa Greenland, Libho, Sta. Ana, Taytay, Rizal.


Magbubuo ang mga dumadalo sa Pinoy Green House ng Farmers & Fishers Cooperative. Ito ay sa mungkahi nina Prof. Bert Cortuna at Pres. Leo Dicdiquin at sa pakikipagtulungan ng Taytay Municipal Cooperative Development Administration.


Patuloy ang mga training natin:


1. Hands-on at feet-on na paggawa ng fishpond. Si Prof. Bert Cortuna ng University of Rizal System-Cardona, ang magtuturo ng Fishpond Development & Management. Lulusong tayo sa tubigan at putikan. Ang maaring alagaan ay tilapia, bangus, dalag, hito, ulang, palos at gold fish.


2. Iba’t ibang disenyo ng balag sa pangunguna nina Agriculturist Andy Catli at Fire Officer Jonnel Badillo. Kasama ang paggawa ng kalan na bato at putik at fish sanctuary na gawa sa lumang goma ng sasakyan.


3. Golden Kuhol culture at food processing: Sa pangunguna nina Cris & Baby Cristobal: pag-aalaga, Crispy Escargot o Chicharong Kuhol, bopis at torta.


4. Pagtatayo ng Bahay Kubo Training Center sa pangunguna ni Leo Dicdiquin. Nagbigay si David Lumberio ng yero at nagkontribusyunan ng pambili ng kahoy at pako at labor ang mga kasama.


5. Solar Box Cooker at Dryer (bilaran) ng gulay, prutas at isda.


6. Kung may alam kayong teknolohiya tungkol sa paghahalaman at pangingisda, ibahagi ninyo ito sa ating training.


7. At sa mga interesado sa week-end farming and fishpond, tungkol sa 50 metro kuwadradong lupa na maari ninyong ga­wing fishpond at gulayan, dumalo sa ating training at umanib sa coope­rative.


8. Magdala ng mga binhi ng iba’t ibang gulay, prutas at punong kahoy.


9. Masaya at masarap ang salu-salong pananghalian sa Bukid-Palaisdaan.

Laging may dalang Big Head fish at pinya ang mga taga Binangonan. Marami na tayong gulay na napipitas sa Pinoy Green House Farm:

Saluyot, malunggay, alugbati, okra, talbos kamote at kangkong, katuray, patola, sili, lemon grass, papaya, saging, atbp. Mag-aaral din tayo ng pagluluto ng iba’t ibang ulam.


10. Sa mga interesado sa 50 square meter weekend farming/ fishpond at nais na dumalo at maging kaanib ng cooperative, makipag-ugnay kay Leo B. Dicdiquin, Pangulo, Samahan ng Res­ponsableng Pilipino, Rizal Chapter. Magpunta nang maaga sa 496 Block 17, Kabisig Floodway, Cainta, Rizal para may guide kayo. Tumawag sa 344-3329/0921-9902425.


Sumama na kayo sa libreng training ng Model Pinoy Greenhouse: may gulay na, may isda pa; may pagkain, may gamot pa at may dagdag kita pa.


Kung interesado tungkol sa Modelong Pinoy Greenhouse, tumawag kay Leo B. Dicdiquin, President, Samahan ng Responsableng Pilipino, Rizal Chapter, 344-3329/ 0921-9902425; Fishpond Management: Prof. Bert Cortuna-University of Rizal System-Cardona- 430-1607; Jim Cantor-Wellness.org Inc 2315 Aurora Blvd, Pasay City 832-3244, 0906-4049813.
Kung may katanungan o mungkahi, makipag-ugnay kina: Dr. Jose Pepito Manansala Cunanan at Elizabeth De Leon Cortez Cunanan-0922-8830696 or 928-1312/Email: pcunanan@gmail.com/ pepz2002@yahoo.com. Visit website: www.withnews.org- Internet News for the Disabled and the Poor. Unit 201, 2nd Floor, Prestige Tower, Emerald Avenue, Ortigas Center, Pasig City, Metro Manila.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section