Hepe ng Cabuyao Laguna pinagpapaliwanag ni Regional Dir. 4 Carlos Padilla sa tupadahan

 

Dear Sir Arnel,

Magandang gabi po, nagpapasalamat po ako sa pagtugon sa aming kahilingan tungkol sa illegal na sabong sa aming Barrio San Isidro Laguna.

Sa ngayon po ay pinatigil nila dahil mainit po raw. Marami pong natuwa na tagarito sa amin dahil sa pagkakalathala nito sa inyong column, pero sa ngayon ‘di pa rin nila tinatanggal ang itinayong tupadahan magpapalamig muna raw sila.


Maraming salamat po uli sa malaking tulong na ginawa ninyo at sa pagprotekta sa aking email address. Kayo po ang aming boses. Mabuhay kayo.

Nakausap ko po sa pamamagitan ng telepono si Regional Director 4 Chief Supt. Carlos Padilla na kanya nang pinagpapaliwanag ang hepe ng Cabuyao Laguna hanggang Lunes ukol sa tupadahan na pinamumunuan ng mga barangay official.


Kay Cabuyao Laguna Mayor Jun Hernandez, sir, ayon po sa inyong mga kababayan ang nasabing tupadahan po ay natigil na pero hindi naman inalis ang istraktura na siyang pinagdadausan. Baka po may balak pa na ibalik pa ang nasabing tupadahan mabuti pa po ang inyong mga kababayan mabilis ang sumbong sa inyong lingkod baka naman, mayor, mga bata mo ang siyang may kinalaman sa nasabing tupadahan kayo rin ilang taon na lang pipili na uli ng bagong mayor baka magsawa ang inyong mga kababayan at imbes na maturuaan ng tamang hanapbuhay ilegal ang matutunan sa inyong bayan. Bukas po ang aking kolum sa inyong panig at kapaliwanagan.


***


Dear Sir,


Good day! Isa po ako sa mga masusugid ninyong buma­basa ng inyong pitak sa Abante at Abante TONITE. Kaysarap po matulog lalo na po sa panahon na ito na talaga pong napakalamig, ngunit sa kasarapan ng pagtulog mo ay biglang may kakantang akala mo ay nasa isang rock concert. Kahit sino po ay mapapamura.


Eto po sana ang gusto kong ireklamo dito po sa P. Dandan St., La Huerta, Parañaque ang Videokehan ni Mely, ilang beses na po naming inireklamo ito sa barangay pero parang walang nangyayari, o talagang wala pong mangyayari dahil isa po siya sa mga “nagluklok daw sa position sa aming barangay captain na si BARWET. Kapal ng mga mukha”... ang sarap-sarap ng tulog namin bigla na lang magpapatugtog ng mga kanta at talaga po namang napakalakas akala mo siya lang ang tao sa buong P. Dandan. Eto pa ho ang nakakaasar, kung may kantahan dapat may inuman, lahat po ng mga kabataan doon sa amin ay talagang marunong nang uminom, pagkatapos ay mag-aaway-away. Ang slogan po pala ng barangay namin ay ang Pagbabalik ng Katahimikan.....”


Sir, sana naman po ay mabigyan n’yo po ng kaunting bulabog ang barangay namin. Marami pong salamat.......tatanawin po naming malaking utang na loob ang lahat ng ito.


Concern citizen
P. Dandan St., La Huerta
Parañaque

Sa barangay captain ng Lahuerta at kina Supt. Ronald Estilles, Mayor Jun Bernabe humihingi po ng tulong ang inyong mga kababayan dahil sa videokehan na pinagmumulan ng gulo at nakakabulahaw na sa kanilang pagtulog sa gabi. Mga sir, pakiimbestigahan naman ang nasabing videokehan. Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.

NOTE: Problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG, homeowners at iba pa. Cellphone No. Smart: 09193628223, Globe: 09052209715. EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com/arnel_petil@yahoo.com Landline 5

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na ayaw mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa ring ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog. At kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay ipagpaumanhin na hindi ko po mailalathala o mailalabas sa kadahilanang para po ito sa kapakanan ng bawat panig ng nagrereklamo at inirereklamo.

Salamat po sa walang sawang pagsubaybay.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section